Licensed nurse na si Rocco Nacino, nagbigay ng first aid sa isang staff sa set

by Jojo Gabinete
Nov 25, 2021
Rocco Nacino GMA-7 contract signing
Rocco Nacino: "Recently, during taping, meron kaming isang staff na nakatapak ng pako so that was very dangerous kasi nga baka ma-tetano. Ako na yung nag-volunteer dahil valid pa yung license ko. Ako yung nag-prepare ng injection at ako na yung nagturok sa kanya."
PHOTO/S: @nacinorocco Instagram

"Kinilig" ang salitang ginamit ni Rocco Nacino sa reaksyon niya sa balitang masaya si Derek Ramsay na siya ang napili para sa karakter ni Gavin Ramirez, ang male lead character sa To Have and To Hold, ang top-rating primetime drama series ng GMA-7.

Alam ni Rocco na para kay Derek ang project, pero tumanggi ang huli dahil sa coronavirus pandemic.

"Naiintindihan ko po kung bakit niya tinanggihan dahil marami po siyang kasama sa bahay.

"Unlike kami, kami lang po ng asawa ko dito," bungad ni Rocco.

Si Rocco ay ikinasal sa volleyball player na si Melissa Gohing noong January 21, 2021.

Si Derek ay ikinasal kay Ellen Adarna noong November 11, 2021.

Patuloy ni Rocco, "So, mas marami siyang iniintindi, like his mom, sa kid. But ako’y nagpapasalamat sa kanya.

"At nabalitaan ko po sa aming producer, nung nalaman po ni Derek na ako yung gaganap ay ipinarating daw niya na happy raw siya.

Continue reading below ↓

"Sobrang kinilig din ako na may tiwala sa akin si Derek."

Nagpapasalamat din si Rocco sa GMA Network Inc. dahil sa patuloy na pagtitiwala sa kakayahan niya kaya pinapirma siya ng bagong kontrata kahapon, November 24.

ROCCO IS STILL A LICENSED NURSE

Licensed nurse si Rocco.

Kahit pag-arte ang propesyon niya sa kasalukuyan, napapakinabangan pa rin nito sa set ang tinapos na kurso kaya mapalad ang kanyang mga kasamahan sa trabaho.

"I do practice it. I check lalo na sa mga eksena na inaatake sa puso, mga ventilator, yung mga binubuhay yung pasyente.

"Minsan kahit wala ako sa eksena, tsine-check ko rin, that’s why we do have consultants, pero kung wala, tumutulong po ako," paliwanag ni Rocco.

May pagkakataon ding nag-volunteer si Rocco na magbigay ng first aid.

Kuwento ng Kapuso actor, "And recently, during taping, meron kaming isang staff na nakatapak ng pako so that was very dangerous kasi nga baka matetano.

"Because active pa rin ang nurse license ko, I volunteered myself to do the injections kasi wala yung nurse to administer yung mga gamot.

"Yung aming first aid was able to order and have the vials delivered, pati yung syringes.

"Ako na yung nag-volunteer dahil valid pa yung license ko. Ako yung nag-prepare ng injection at ako na yung nagturok sa kanya."

ON EDUCATION AS A GOOD INVESTMENT

Masaya si Rocco na hindi man niya kinarir ang Nursing ay napa-practice pa rin niya ito.

Nagtapos si Rocco ng master's degree sa Nursing sa St. Bernadette of Lourdes College noong 2017.

"Ito yung mga bagay na makikita ko na talagang investment yung education kasi you’d never know when you will need it," masiglang sabi ni Rocco.

Dagdag pa niya, "It’s always been a dream of mine to become a doctor, pero yung pinaka-closest na nakuha ko was to take my master’s.

Continue reading below ↓

"At least, alam ko na may fallback ako with my master’s degree.

"I can be guaranteed a good position kung magtatrabaho ako bilang nurse.

"And if given the chance to become a doctor, gustung-gusto ko. It’s either pediatrician or chiropractor."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rocco Nacino: "Recently, during taping, meron kaming isang staff na nakatapak ng pako so that was very dangerous kasi nga baka ma-tetano. Ako na yung nag-volunteer dahil valid pa yung license ko. Ako yung nag-prepare ng injection at ako na yung nagturok sa kanya."
PHOTO/S: @nacinorocco Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results