Hit French series Call My Agent! magkakaroon ng Philippine remake

by Jojo Gabinete
Nov 26, 2021
call my agent france india
Nakatakdang simulan sa first quarter ng 2022 ang taping Philippine remake ng hit French series na Call My Agent!, na nagkaroon na rin ng Bollywood version (bottom).

Hindi magpapahuli ang Pilipinas dahil magkakaroon na rin ng Philippine adaptation ng Call My Agent!, ang 2015 French comedy-drama series na napanood sa France 2 TV channel at naging global sensation mula nang ipalabas sa Netflix.

Isang 36-year-old popular actress ang napipisil para gumanap bilang isa sa mga bida ng Filipino version ng French comedy-drama series.

Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa schedule, uumpisahan ang shooting ng Pinoy adaptation ng Call My Agent! sa unang quarter ng 2022.

Magkakaroon ng grand announcement ang mga producer ng project tungkol sa mga artistang magbibida at sa mga popular celebrity na pumayag gampanan ang kanilang mga sarili sa Philippine adaptation ng Call My Agent!

Hindi lamang ang Pilipinas ang gagawa ng local version ng Call My Agent!

Meron nang Indian adaptation, ang Call My Agent! Bollywood, na napapanood na rin sa Netflix simula noong October 29, 2021.

Inanunsiyo noong May 2021 na magkakaroon ng K-drama version ang Call My Agent! pero wala pang inaanunsiyong cast para rito.

Continue reading below ↓

Noong July 2021, inanunsiyo naman ang UK remake ng TV series na pagbibidahan nina Lydia Leonard, Prasanna Puwanarajah, Maggie Steed, at Jack Davenport.

Reportedly, pumayag na si Helena Bonham Carter na magkaroon ng cameo role at gampanan ang sarili niya sa UK edition ng Call My Agent!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakatakdang simulan sa first quarter ng 2022 ang taping Philippine remake ng hit French series na Call My Agent!, na nagkaroon na rin ng Bollywood version (bottom).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results