Jeric Gonzales, payag magpaseksi sa pelikula o teleserye "dahil may reason"

by Jojo Gabinete
Nov 27, 2021
jeric gonzales pogi
Jeric Gonzales on taking on sexy roles: "Gagawin ko siya dahil may dahilan sa kuwento. Hindi lang basta magpapaseksi ako. I will be sexy and hot in a film or in a series dahil may reason."
PHOTO/S: @jericgonzales07 on Instagram

Handa na si Jeric Gonzales tumanggap ng mga sexy role sa pelikula at TV series dahil, para sa kanya, nasa wastong edad na siya.

Sa recent virtual presscon para sa guesting niya sa Regal Studio Presents ng GMA 7, itinanong kay Jeric ang pagtanggap ng mga sexy project dahil sa pagsulpot ng mga baguhang aktor na paghuhubad sa harap ng kamera ang puhunan para madaling mapansin ng publiko.

Sagot ng 29-year-old Kapuso actor, “Sa tingin ko, nasa right age na naman ako. Sa Bench, ginagawa ko na rin naman ‘yan.

"Pero as much as possible, gusto ko talaga to be an actor.

“Gagawin ko siya dahil may dahilan sa kuwento. Hindi lang basta magpapaseksi ako.

"I will be sexy and hot in a film or in a series dahil may reason."

Naranasan ni Jeric na maging pantasya ng bayan dahil sa kanyang mga sexy pictorial para sa isang popular underwear brand.

Continue reading below ↓

Ang afternoon drama series na Magkaagaw, na nagwakas noong March 31, 2021, ang huling regular show ni Jeric sa GMA-7.

Natakot kasi siyang lumabas mula sa kanilang tahanan nang tumaas ang mga kaso ng COVID-19. Naging mapili si Jeric sa pagtanggap ng mga TV assignment bilang pag-iingat sa kanyang mga senior citizen na magulang na kasama niya sa bahay.

Continue reading below ↓

Ang episode na "Bros B4 Rose" ng Regal Studio Presents, na tinatampukan nila nina Kim Domingo at Rob Gomez, ang isa sa mga TV guesting na tinanggap ni Jeric.

Nagkaroon ng surreal na pakiramdam ang Kapuso hunk dahil napapanood lamang niya sa mga pelikula at telebisyon ang mga proyekto ng Regal Films noong paslit na bata pa siya.

Sabi ni Jeric, “Dream come true talaga ito, pangalan pa lang ni Mother Lily [Monteverde, Regal Films matriarch yung naririnig ko before.

“Hindi pa ako artista, nandiyan na ang Regal, so ngayon na naging part ako nito, it’s an honor, proud talaga ako.

“Sana makagawa pa ako ng maraming collaboration with them.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Gonzales on taking on sexy roles: "Gagawin ko siya dahil may dahilan sa kuwento. Hindi lang basta magpapaseksi ako. I will be sexy and hot in a film or in a series dahil may reason."
PHOTO/S: @jericgonzales07 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results