Newbie Ayanna Misola, nakumbinsing magpaseksi dahil sa pandemya

by Jojo Gabinete
Nov 27, 2021
ayanna misola pornstar 2
Newcomer Ayanna Misola on co-starring with veteran sexy stars in Pornstar 2: "Super na-starstruck po ako sa kanila and medyo nahiya kasi bata pa lang ako, napapanood ko na sila on screen. At the same time, I felt really blessed dahil sila yung mga unang nakasama ko sa first project ko. Napakauswerte po namin para ma-guide ng legends when it comes to sexy films."
PHOTO/S: @ayannamisola on Instagram

Ang Pornstar 2: Pangalawang Putok ang unang pelikula ng 19-year-old showbiz newcomer na si Ayanna Misola.

Iana Claire Misola ang tunay niyang pangalan at nagmula sa Sta. Rosa City, Laguna.

Nagulat si Ayanna nang malaman niyang kasama siya sa cast ng pelikula na pinangungunahan nina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina, at Maui Taylor dahil sa kanyang sariling salita, “Akala ko mabubulok na lang ako sa loob ng bahay dahil sa pandemic.”

Nangibabaw ang pagiging fan at mahiyain ni Ayanna nang makaharap nito nang personal ang apat na lead stars ng Pornstar 2 dahil hindi pumasok sa kanyang isip na darating ang araw na makakatrabaho niya ang mga dating sex symbol ng Philippine cinema.

“Super na-starstruck po ako sa kanila and medyo nahiya kasi bata pa lang ako, napapanood ko na sila on screen.

“At the same time, I felt really blessed dahil sila yung mga unang nakasama ko sa first project ko. Napakauswerte po namin para ma-guide ng legends when it comes to sexy films.

Continue reading below ↓

“I'll be forever grateful na napabilang ako sa Pornstar 2.”

Ang pandemya ang sinabing dahilan ni Ayanna kaya nakumbinsi siyang tanggapin ang Pornstar 2, kahit grabe ang mga eksena na ipinagawa sa kanya at sa mga kapwa niya baguhang sina Sab Aggabao, Stephanie Raz, at Cara Gonzales.

Aniya, “Nakumbinsi po ako ng pandemya. Sabi ko nga po, I spent most of the year sa loob lang ng bahay, kaya when the opportunity knocked, hindi ko na po pinalampas.”

Ano ang pinakamahirap na eksena na ginawa mo sa Pornstar 2?

Sagot ni Ayanna, “Pinakanahirapan po talaga ako sa scene namin na 'folk folk dance' kasi bukod sa hindi ako gaano maalam sumayaw, medyo mabigat po yung costume.

“So, halos hindi po ako makagalaw nang mag-shoot kami. Super maiyak-iyak talaga ako dahil napakaganda ng costume. Gusto ko sanang mabigyan ng justice ang oras at pagod na ginugol nila para magawa yung costume.

Continue reading below ↓

"Pero okay naman po yung kinalabasan. I guess naibigay ko naman po yung best ko."

May insidente bang napaiyak ka at ano ang mga nakakahiyang karanasan mo sa set ng unang pelikula mo?

"I think, pinaka-embarassing experience ko po is hindi ako marunong gumamit ng tampons. Si Sab pa ang nagturo sa akin kung paano ilagay.”

Mapangahas ang mga eksena ni Ayanna sa Pornstar 2 dahil sa mga paghuhubad na ginawa niya, pero hindi raw siya mahihiyang ipapanood sa kanyang pamilya ang nabanggit na pelikula.

“First project ko ito. Family ko sila at sila po yung nagpalaki sa akin. They know me better than anyone else,” sabi ni Ayanna.

Pero nagpahiwatig si Ayanna na mas matitindi ang mga eksena niya sa kanyang ikalawa na pelikula, ang Siklo, na mula sa direksyon ni Roman Perez Jr.

“I swear, kung anuman po ang nakita niyo sa Pornstar 2, mas malala ang Ayanna na mapapanood ninyo sa Siklo.

Continue reading below ↓

"Nag -expand din po kasi yung limitations ko after Pornstar 2 so mas intense," sabi ng baguhang sexy star.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Newcomer Ayanna Misola on co-starring with veteran sexy stars in Pornstar 2: "Super na-starstruck po ako sa kanila and medyo nahiya kasi bata pa lang ako, napapanood ko na sila on screen. At the same time, I felt really blessed dahil sila yung mga unang nakasama ko sa first project ko. Napakauswerte po namin para ma-guide ng legends when it comes to sexy films."
PHOTO/S: @ayannamisola on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results