Beatrice Luigi Gomez, excited nang makita ang ibang Miss Universe 2021 candidates

by Jojo Gabinete
Nov 27, 2021
bea luigi gomez departure
Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez, wearing a Francis Libiran outfit, flew to Eliat, Israel this Saturday, November 27, for the grand coronation of Miss Universe 2021.
PHOTO/S: Instagram

Bakas ang kasiyahan sa mukha ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez nang sabihin nitong excited na siyang makita ang ibang mga kandidata ng 70th Miss Universe, ang international beauty pageant na lalahukan niya.

“I’m excited to meet all of the girls. From what I know, some of them are already there so I wonder what it’s like out there. Excited na talaga po,” pahayag ni Bea sa panayam sa kanya ni Dyan Castillejo bago siya lumipad sa Israel.

Magaganap ang koronasyon ng bagong Miss Universe sa Universe Arena sa Eilat, Israel sa December 12.

Ngayong Sabado ng gabi, November 27, kasama ang Miss Universe Philippines creative director na si Jonas Gaffud, umalis na ng bansa si Bea.

Si Jonas ang nagbanggit sa Cabinet Files na mahigit sa labing-anim na oras ang biyahe nila ni Bea mula sa Maynila hanggang sa Israel.

bea luigi gomez jonas gaffud

Continue reading below ↓

“I’m ready to fight, more than ready to fight,” sabi ni Bea tungkol sa pagsabak niya sa 70th Miss Universe.

Ang international fashion designer na si Francis Libiran ang gumawa ng departure outfit ni Bea.

“Light traveler” si Bea kaya pinagkasya niya sa limang maleta ang mga damit na kanyang gagamitin sa halos labing-anim na araw na pamamalagi sa Israel.

Kuwento ni Bea, “We actually spent weeks to prepare all of my outfits. Ang sabi nga ni Mama J [Jonas Gaffud], of all the Miss Universe representatives, ako lang yung pinaka-konti yung luggage na dala.

“I actually love travelling light so I’m glad na nagkasya lahat ng damit ko and exciting yung fashion statement ko ngayon,”

Pinagkaguluhan ng ating mga kababayan si Bea nang dumating siya sa Ninoy Aquino International Airport, at nag-trending sa social media ang pag-alis niya patungo sa Israel.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez, wearing a Francis Libiran outfit, flew to Eliat, Israel this Saturday, November 27, for the grand coronation of Miss Universe 2021.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results