Movie ni Bela Padilla at Korean actor Kim Gun Woo, posibleng ipalabas habang nasa London ang aktres

by Jojo Gabinete
Nov 29, 2021
Bela Padilla with South Korean actor Kim Gun Woo
Isa sa mga nakapilang pelikula ni Bela Padilla na natapos na niyang i-shoot ay ang Ultimate Oppa kunsaan katambal niya ang South Korean actor na si Kim Gun Woo. Nag-shoot sila ng sa South Korea at sa Pilipinas noong early 2020.
PHOTO/S: @bela

Tulad nang balitang inilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang linggo, hindi tatalikuran ni Bela Padilla ang showbiz.

Nilinaw niyang maninirahan siya sa London habang may pandemya, pero mali ang interpretasyon ng iba na hindi na siya mag-aartista.

Aktibo raw siya sa showbiz kahit naroon.

"I’m getting a lot of DM’s [direct messages] asking me why I quit my job. I didn’t say I was gone for good.

"I’m just currently based in London since the pandemic is still ongoing.

"In fact, I have a movie coming out in February and had a call from Viva yesterday to write my next film already," pagtutuwid ni Bela.

MOVIES THAT BELA FINISHED ALREADY

Dalawa sa tatlong pelikula na ginawa ni Bela ang naghihintay na maipalabas sa mga sinehan o sa Vivamax streaming site.

Una na rito ang 366, ang kanyang unang movie directorial job na siya rin ang sumulat ng kuwento at pinagbibidahan nila nina Zanjoe Marudo at JC Santos.

Continue reading below ↓

Ikalawa ay natapos na rin ang shooting niya para sa international movie na Ultimate Oppa, ang pelikulang tinatampukan nila ng Korean actor na si Kim Gun Woo.

Si Kim Gun Woo ay gumanap na artistang ka-agency ni Park Bo Gum sa 2020 K-drama series na Record of Youth.

Matagal na nanatili si Bela sa South Korea para sa shooting ng Ultimate Oppa noong February 2020.

Bela Padilla and Kim Gun Woo

Continue reading below ↓

Noong March 2020, tahimik namang dumating sa Pilipinas si Kim Gun Woo dahil kinunan sa Quezon City ang ilang mga eksena nila ni Bela.

Kim Gun Woo and Bela Padilla in Quezon City

Isa itong romantic-comedy movie na joint venture ng Viva Films, Reality MM Studios at ng South Korean company na Creative Leaders Group Eight.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isa sa mga nakapilang pelikula ni Bela Padilla na natapos na niyang i-shoot ay ang Ultimate Oppa kunsaan katambal niya ang South Korean actor na si Kim Gun Woo. Nag-shoot sila ng sa South Korea at sa Pilipinas noong early 2020.
PHOTO/S: @bela
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results