"Super stage mother" ng aktres, isinusuka ng production staff at ibang artista ng isang programa

by Jojo Gabinete
Nov 29, 2021
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Parang panis na pagkaing isinusuka ng production staff at ng mga artista ng isang TV program ang ina ng aktres na pasimuno sa paghahasik ng mga intriga.

Ang “superstage mother” ng aktres ang source ng mga tsismis sa set at tila kaligayahan na niyang nag-aaway ang mga tao sa kanyang paligid.

Nag-aalala para sa kapakanan ng aktres ang mga taong nagmamalasakit sa kanya dahil habang tumatagal, nagiging magkapareho na sila ng ugali ng tanging ina niya.

Inirereklamo ng isang veteran actress na hindi siya binabati ng aktres, na hindi nakikihalubilo sa mga kasamahan. Tila nagkaroon na ng ilusyon ang aktres na sikat na sikat na siya dahil ito ang itinatanim ng kanyang tanging ina sa kukote niya.

Lumampas na sa linya ang pagiging stage mother ng tanging ina dahil habang kinukunan ang mga eksena ng anak niya, siya at hindi ang direktor ng programa ang sumigaw ng “Cut!”

Habang nanonood sa monitor ang tanging ina, hindi nito nagustuhan ang anggulo ng kanyang anak sa harap ng kamera dahil nakatutok ito sa multi-awarded actress na kasama sa eksena kaya hindi niya napigilan ang sarili na tumili ng “Cut!”

Continue reading below ↓

Kahit sino, hindi matutuwa sa ginawa ng tanging ina kaya nairita sa kanya ang multi-awarded actress.

Ang multi-awarded actress ang isa sa mga showbiz personality na makapagpapatunay na marami sa mga aspiring star ang nawalan ng acting career dahil sa pagkakaroon ng diva attitude at, higit sa lahat, dahil sa pakikialam ng mga magulang na nauuna pang lumaki ang ulo at nalunod sa isang basong tubig kesa sa kanilang mga anak na binabantayan at pinaglilingkuran.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results