Boy Abunda nagbigay ng hosting, public speaking workshop sa Kapuso stars

by Jojo Gabinete
Nov 29, 2021
boy abunda interview
Nagsagawa ng hosting at public speaking workshop ang veteran TV host na si Boy Abunda para sa mga artista ng Kapuso network noong nakaraang linggo. Dahil dito, muling nabuhay ang espekulasyong magbabalik ang King of Talk sa Kapuso network.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Hindi imposibleng mabuhay ang balitang magbabalik si Boy Abunda sa GMA-7 dahil sa hosting at public speaking workshop na ginawa niya para sa mga artista ng Kapuso network noong nakaraang linggo.

Sina Rayver Cruz, Ken Chan, Bianca Umali, Gil Cuerva, Jose Sarasola, Kyline Alcantara, at Derrick Monasterio ang ilan sa maraming mga artista ng GMA-7 na lumahok sa hosting and public speaking workshop ni Boy.

Diumano, nagpaalam muna si Boy sa management ng ABS-CBN bilang respeto sa kanyang home network.

Hindi na alam ng mga baguhang artista na ang GMA Network Inc. ang nagbigay kay Boy ng malaking break bilang television host.

Ang Show & Tell ang unang talk show ni Boy sa Kapuso Network, at nag-umpisa ito noong July 16, 1994.

Sina Gretchen Barretto at Ai-Ai delas Alas ang mga co-host ni Boy sa Show & Tell, na nagwakas noong October 1, 1995.

Hindi nabakante si Boy nang magpaalam sa telebisyon ang Show & Tell dahil sa bagong programa na ibinigay sa kanya ng GMA-7, ang Startalk, ang showbiz-oriented talk show na nagsimula noong October 8, 1995.

Continue reading below ↓

Tumagal ng apat na taon ang hosting stint ni Boy sa Startalk dahil iniwanan niya ang programa noong June 5, 1999 para umipat sa ABS-CBN bilang host ng The Buzz na nag-umpisa noong June 13, 1999.

Nang mawalan ng franchise ang ABS-CBN noong July 2020, nagkaroon ng mga haka-hakang makalipas ang dalawampu’t isang taon, babalik si Boy sa GMA-7.

Pero itinanggi niya ang balita na tiyak na muling mauungkat dahil sa workshop na kanyang pinangunahan para sa mga contract star ng Kapuso Network.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagsagawa ng hosting at public speaking workshop ang veteran TV host na si Boy Abunda para sa mga artista ng Kapuso network noong nakaraang linggo. Dahil dito, muling nabuhay ang espekulasyong magbabalik ang King of Talk sa Kapuso network.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results