Filipino-American trans woman Kataluna Enriquez, bigo sa kanyang Miss USA quest; Kentucky, kinoronahang Miss USA 2021

Nov 30, 2021
miss usa 2021
Filipino-American trans woman Kataluna Enriquez (left), who represented Nevada, fails to make it to Top 16 of Miss USA 2021; Kentucky's Elle Smith (right) to represent USA in Miss Universe 2021.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Maagang natapos ang Miss USA journey ng Filipino-American transgender woman na si Kataluna Enriquez dahil hindi siya nakapasok sa Top 16 candidates ng 70th Miss USA.

Ginanap ang Miss USA 2021 sa Paradise Cove Theater of River Spirit Casino Resort sa Tulsa, Oklahoma, nitong Lunes ng gabi, November 29 (Martes ng umaga, November 30, sa Pilipinas).

Ang 70th Miss USA ang isa sa mga beauty pageant na sinalihan ni Kataluna. Naging candidate siya sa Super Sireyna Worldwide ng Eat Bulaga! noong May 2018 at Miss International Queen sa Thailand noong May 2018.

Ang 23-year-old journalist na si Elle Smith ng Kentucky ang winner ng Miss USA 2021 crown.

elle smith miss usa 2021

Continue reading below ↓

Siya ang official candidate ng Amerika sa 70th Miss Universe na magaganap sa December 12 sa Eilat, Israel.

Full-time reporter si Elle ng WHAS11, isang news channel sa Louisville, Kentucky.

First runner-up ni Elle si Caitlyn Vogel ng North Dakora, second runner-up si Ashley Carino ng Florida, at 3rd runner-up si Miss Illinois Sydni Bennett.

Matapos mapanalunan ang Miss USA 2021 title, naghahanda na si Smith sa biyahe niya sa Israel para sa 70th Miss Universe.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipino-American trans woman Kataluna Enriquez (left), who represented Nevada, fails to make it to Top 16 of Miss USA 2021; Kentucky's Elle Smith (right) to represent USA in Miss Universe 2021.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results