Watch Now

Regal Studio Presents, magkakaroon ng Season 2 sa GMA Network

by Jojo Gabinete
Nov 30, 2021
bros b4 rose regal studio presents
Jeric Gonzales, Kim Domingo, and Rob Gomez starred in "Bros B4 Rose" episode of Regal Studio Presents.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Magpapatuloy ang partnership ng GMA Network Inc. at ng Regal Entertainment Inc. dahil magkakaroon ng Season 2 ang Regal Studio Presents, ang drama anthology na nag-umpisa noong September 11, 2021.

Napapanood ito tuwing Linggo ng hapon at madalas na mataas ang viewership.

Magwawakas sa December 26 ang Season 1 ng Regal Studio Presents sa family-oriented episode na may pamagat na "Myra’s Christmas," na tatampukan nina Claire Castro at Mosang.

Magsisimula naman ang Season 2 ng Regal Studio Presents sa January 2022.

Samantala, labis na ikinatuwa ng mga executive ng GMA-7 at ni Regal producer Roselle Monteverde ang mataas na rating (4.6%) ng "Bros B4 Rose," ang episode na pinagbibidahan nina Kim Domingo, Jeric Gonzales, at Rob Gomez noong nakaraang Linggo, November 28.

Bukod sa magandang kuwento ng "Bros B4 Rose," matagal na hindi napanood sa TV si Kim mula nang magkaroon ng coronavirus pandemic. Ang guesting sa Regal Studio Presents ang unang television appearance niya kaya pinaniniwalaang nasabik sa kanya ang publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang naturang episode din ang unang television assignment ng comebacking actor na si Rob Gomez, ang lead actor ng A Girl and A Guy, ang pelikula ng Reality MM Studios na matagal na naging number one content sa Netflix Philippines.

Dating mainstay si Rob ng Walang Tulugan with the Master Showman bago siya nagdesisyong talikuran ang showbiz para pagtuunan ng panahon ang pag-aaral niya.

Sinabi ni GMA-7 executive Joey Abacan ang Regal Studio Presents ang isa sa mga rason kaya highly anticipated na ang Sunday afternoons dahil sa mala-pelikulang mga eksena at casting combinations na tatak-Regal.

“We are very happy how it translated into high ratings and has built its cult following for a weekend slot and the numbers grow as it earns incremental viewership from moviegoers who misses the cinema,” saad ni Abacan.

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Gonzales, Kim Domingo, and Rob Gomez starred in "Bros B4 Rose" episode of Regal Studio Presents.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results