Xian Lim, nagsimula nang mag-taping para sa teleserye nila ni Glaiza de Castro; di nakadalo sa Yorme premiere

by Jojo Gabinete
Nov 30, 2021
xian lim projects
After shooting the film Yorme: The Movie (right), Xian Lim is now busy taping for the Kapuso teleserye False Positive with Glaiza de Castro (left).

Nagsimula noong nakaraang linggo ang lock-in taping ni Xian Lim para sa False Positive sa isang bayan sa lalawigan ng Pampanga.

Ito ang dahilan kaya hindi siya nakadalo sa red-carpet premiere ng Yorme: The Movie, ang pelikula tungkol sa buhay ni Manila Mayor Isko Moreno, na kasalukuyang nagaganap sa SM Manila Cinema ngayong Martes ng gabi, November 30, 2021.

Si Xian ang gumaganap na present-day Isko Moreno sa Yorme, na gagawa sana ng kasaysayan bilang unang Tagalog movie na magbubukas bukas, December 1, sa mga sinehan sa panahon ng coronavirus pandemic.

Pero ipinagpaliban para sa January 26, 2022 ang playdate nito.

Ang False Positive naman ang bagong TV assignment ni Xian sa Kapuso Network na pinangungunahan nila ni Glaiza de Castro at mula sa direksiyon ni Irene Villamor.

Continue reading below ↓

Ang lock-in taping ng False Positive ang pagkakaabalahan ni Xian hanggang sa December 19.

Ito ang project na kapalit ng Love. Die. Repeat., ang dapat na unang project niya sa Kapuso Network pero nahinto dahil sa hindi inaasahang pagbubuntis ng kanyang leading lady na si Jennlyn Mercado.

Walang katiyakan kung kailan magpapatuloy ang taping ng Love. Die. Repeat dahil hihintayin pa ang pagsisilang ni Jennylyn sa baby girl nila ni Dennis Trillo.

Nakatakda sa first quarter ng 2022 ang airing ng False Positive sa primetime slot ng GMA-7.

Isang production insider ang nagsabing hindi nagkamali ang GMA-7 sa desisyong pagsamahin sina Xian at Glaiza sa isang show dahil makikita sa mga eksena ng dalawa ang kanilang malakas na chemisty.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After shooting the film Yorme: The Movie (right), Xian Lim is now busy taping for the Kapuso teleserye False Positive with Glaiza de Castro (left).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results