Grae Fernandez, sasailalim sa reinvention para mas kuminang ang showbiz career

by Jojo Gabinete
Dec 1, 2021
Grae Fernandez
Producer at talent manager na si Dondon Monteverde, excited na pagbidahan ni Grae Fernandez (in photo) ang isang pelikulang mas magpapakita ng talento ng 20-year-old actor.
PHOTO/S: @graefernandez Instagram

Hindi na nag-renew si Grae Fernandez, 20, ng kontrata sa Star Magic kaya inaabangan ng kanyang mga tagahanga ang susunod na career move niya.

Ang Reality MM Studios producer at Upstream.ph founder na si Dondon Monteverde ang manager ni Grae.

Siya ang nagkuwento tungkol sa mga pagbabagong mangyayari sa acting career ng kanyang 20-year-old talent na kasalukuyang nagbabakasyon sa Amerika.

"Very exciting," sabi ni Dondon tungkol sa mga plano niya para kay Grae.

"Yung bata talaga, makikita mo very much involved siya sa mga role na gusto niyang gampanan. Makikita mo yung bata, nag-iisip talaga. He wants to grow his craft."

Tila nais ipakita ni Dondon ang kakayahan ni Grae bilang stand-alone star.

Huling napanood si Grae bilang love team partner ni Kira Balinger sa Kapamilya Channel drama series na Ang Sa Iyo Ay Akin.

Paliwanag niya sa reinvention na gagawin niya kay Grae: "So, alam naman natin na maraming followers si Grae, so we’re actually talking of creating new films for him na talagang babagayan ‘yan.

Continue reading below ↓

"Before, when we talked about Grae, parang laging kailangan may ka-love team agad.

"This time, kailangan dapat maiba yung mga formula in doing things. I think it’s time to explore new ways of actually showcasing their talents."

Malaki ang advantage o kalamangan ni Grae sa ibang mga aktor na kaedad nito dahil madali para sa kanyang manager na bigyan siya ng mga pelikula at challenging roles na lalong magpapatingkad sa acting ability niya.

Kasama ang multi-awarded director na si Erik Matti, si Dondon ang producer ng mga critically acclaimed movie na On the Job, On the Job: The Missing 8, BuyBust, Honor Thy Father, at Kuwaresma.

Kaya nasa mabubuting kamay si Grae.

May pagmamanahan si Grae sa talento nito sa acting dahil apo siya ng action superstar na si Rudy Fernandez at anak ng 25th Gawad Urian best actor nominee na si Mark Anthony Fernandez.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Producer at talent manager na si Dondon Monteverde, excited na pagbidahan ni Grae Fernandez (in photo) ang isang pelikulang mas magpapakita ng talento ng 20-year-old actor.
PHOTO/S: @graefernandez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results