Vice Ganda binati ni Ion Perez; may mensahe sa kanyang haters

by Jojo Gabinete
Dec 4, 2021
Ion Perez, Vice Ganda
(Left) Ion Perez: "Congratulations, babe... nandito lang ako lagi." (Center) Vice Ganda to haters: "Cry and die." (Right) Vice Ganda at the virtual red carpet of the 2021 Asian Academy Creative Awards.
PHOTO/S: Screengrab / iWantTFC Twitter

“Binabati kita bilang partner mo. Congratulations, babe. Siyempre, alam mo na yun kung gaano kita kamahal. Nandito lang ako lagi. Hindi kita iiwan,” ang mensahe ni Ion Perez kay Vice Ganda nang batiin niya ang live-in partner sa live telecast ng It's Showtime ngayong Sabado ng tanghali, December 4.

May kaugnayan ang congratulatory message ni Ion sa tagumpay ni Vice dahil ito ang hinirang kagabi, December 3, bilang Best Lifestyle, Entertainment Presenter/Host sa virtual ceremony ng 2021 Asian Academy Creative Awards (AACA) na ginanap sa Singapore.

Inialay ni Vice kay Ion at sa kanyang ina na si Rosario Viceral ang tagumpay niya sa 2021 AACA.

Ikinuwento ni Vice sa It’s Showtime na sinabi niya kay Ion na ipagdasal nito na manalo siya sa Singapore-based award giving body.

“Ipagdasal mo na manalo ako, sabi ko sa kanya. Idine-dedicate ko ito sa ’yo kasi sa sobrang dagok na inabot ko, sa sobrang okray ng mga tao sa akin.

Continue reading below ↓

“Kung anu-ano ang naririnig ko. Sabi ko, salamat kasi yung pagmamahal niya, hindi lang nakakaganda, nakakahusay…

“Di ba, ang sarap gumising na parang kahit anong marinig ko, wala naman akong paki. Ang mahalaga, okey naman si Ion. Okey kami ni Ion at yung nanay ko, ang sarap sa feeling nung tinext ako ng nanay ko na, ‘You make your nanay proud again.'”

Pretty in pink si Vice Ganda sa Friday night virtual red carpet ng 2021 AACA dahil pinaghandaan niya ang kanyang outfit, kaya diumano, feeling-Barbie siya.

Kahit hindi pa sigurado na mananalo, parang nagwagi na rin ang itsura at pakiramdam ni Vice sa virtual red carpet interview, lalo na nang magbitaw siya ng mensahe para sa kanyang bashers at detractors.

“I am just so flattered. It’s really a big honor to win the Best Entertainment Host in the Philippines and to be able to represent my country here in the Asian Academy Awards and it’s extra special because my program, Everybody Sing is also nominated and we hope we win tonight.

Continue reading below ↓

“This is a big honor, a big blessing and this is surely gonna make all my fans, supporters celebrate, and this is gonna make them all very happy and at the same time, this achievement is gonna make all my haters and bashers cry and die…”ang sabi ni Vice na sinundan nito ng pilya at nakakalokong tawa.

Mahigpit ang naging laban sa pagitan ni Vice at ni Kiat Kicharoen ng Thailand para sa kategorya ng Best Lifestyle, Entertainment Presenter/Host.

Pero sa huli, ang Filipino talent ang nangibabaw dahil sa boto na 17.5% laban sa 17.33.

“Well-deserved victory to the Philippines. Thanks to the hard-working always entertaining Vice Ganda,” ang reaksyon ng Asian Academy Creative Awards organizers sa parangal na ipinagkaloob nila kay Vice Ganda.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Ion Perez: "Congratulations, babe... nandito lang ako lagi." (Center) Vice Ganda to haters: "Cry and die." (Right) Vice Ganda at the virtual red carpet of the 2021 Asian Academy Creative Awards.
PHOTO/S: Screengrab / iWantTFC Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results