Dingdong Dantes, sasamahan si Marian Rivera sa Israel trip nito

by Jojo Gabinete
Dec 4, 2021
Marian Rivera
Proud husband Dingdong Dantes, sasamahan ang misis na si Marian Rivera sa pagpunta nito sa Israel bilang bahagi ng 70th Miss Universe Selection Committee.
PHOTO/S: @dongdantes on Instagram

Natutuwa si Marian Rivera dahil sa suporta sa kanya ni Dingdong Dantes nang malaman nito na napili siya bilang isa sa mga miyembro ng selection committee ng 70th Miss Universe na magaganap sa December 12 sa Eilat, Israel.

Si Dingdong ang unang tinawagan ni Marian sa telepono nang matanggap niya ang imbitasyon mula sa Miss Universe Organization sa pamamagitan ng Triple A Management, ang talent management agency na namamahala sa kanyang showbiz career.

“Sobrang supportive ng asawa ko. Si Dong agad ang una kong tinawagan.

“Sabi ng asawa ko, ‘Wow nakaka-proud naman.’

“Sabi niya, 'You have to go there.’

“Ganoon agad ang sinabi niya sa akin. Nakakatuwa na ganoon ang suporta niya,” ang pahayag ni Marian nang pormal na inanunsyo kahapon, December 4, ang pagpunta niya sa Israel sa December 6, 2021 para sa 70th Miss Universe.

Buung-buo ang suporta ni Dingdong kay Marian dahil sasamahan niya ang kanyang asawa sa Israel trip nito.

Continue reading below ↓

Hindi magkakaroon ng conflict sa mga showbiz commitment ni Dingdong ang pagpunta nila ni Marian sa Israel.

Dahil natapos na ang lock-in taping niya para sa isang show ng GMA-7 at sa December 25 pa magbubukas sa mga sinehan ang A Hard Way, ang pelikula na kanyang pinagbibidahan at official entry ng Viva Films sa Metro Manila Film Festival 2021.

Hands-on mother si Marian sa dalawang anak nila ni Dingdong kaya sa kanyang pag-alis, tiniyak niya na may mag-aalaga sa mga bata.

“Definitely may mga mag-aalaga, ayokong i-broadcast. Mahirap na.

“Definitely, hindi ko pababayaan yung mga anak ko at secure yan kapag umalis ako, alam kong safe at secure yung mga anak ko,” ang sabi ni Marian na magkakahalo na emosyon ang nararamdaman dahil sa malaking oportunidad na maging bahagi siya ng isang international beauty pageant.

“Kinilig ako na parang, 'Wow!' Mixed emotions.

“Sabi ko nga, for me it’s malaking karangalan at walang dahilan para hindi ko siya tanggapin kaya kailangan, tanggapin ko siya ng buong puso ko dahil nakakataba ng puso. Parang, 'Talaga ba?'”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Proud husband Dingdong Dantes, sasamahan ang misis na si Marian Rivera sa pagpunta nito sa Israel bilang bahagi ng 70th Miss Universe Selection Committee.
PHOTO/S: @dongdantes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results