Tien Thuc Thuy Nguyen ng Vietnam, wagi bilang Miss Grand International 2021

by Jojo Gabinete
Dec 5, 2021
Tien Thuc Thuy Nguyen
Miss Grand International 2021
Si Miss Grand Vietnam 2021 Tien Thuc Thuy Nguyen ang hinirang bilang Miss Grand International 2021 sa coronation night na ginanap ngayong Sabado ng gabi, December 4, sa Show DC Hall ng Bangkok, Thailand. (Inset shows outgoing Miss Grand International 2020 Abena Appiah crowning her successor).

Si Tien Thuc Thuy Nguyen ng Vietnam ang kinoronahan bilang 2021 Miss Grand International sa final show na naganap ngayong Sabado ng gabi, December 4, sa Show DC Hall sa Bangkok, Thailand.

Tien Thuc Thuy Nguyen 
Miss Grand International 2021

Maligayang-maligaya ang 23-year-old beauty queen sa tagumpay nito kahit hindi suportado ng kanyang bansa ang pagsali niya sa 9th edition ng Miss Grand International.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tien Thuc Thuy Nguyen 
Miss Grand International 2021

First runner-up ni Nguyen si Miss Grand Ecuador Andrea Victoria Aguilera Paredes, si Lorena Goncalves Rodrigues ng Brazil ang second runner-up, third runner up si Miss Grand Puerto Rico Vivianie Diaz Arroyo, at si Miss Grand South Africa Jeanè Van Dam ang 4th runner-up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naantala ang announcement ng winner ng 2021 Miss Grand International crown dahil nagkaroon ng tie-breaker question sa pagitan nina Miss Grand Vietnam at Miss Grand Ecuador.

Tila nagiging tradisyon na ang pagkakaroon ng tie-breaker question sa Miss Grand International dahil nangyari rin ito noong March 27, 2021 sa pagitan nina Miss Grand Philippines Samantha Bernardo, Miss Grand USA Abena Appiah, at Miss Grand Guatemala Ivana Batchelor, ang top three candidates ng 8th Miss Grand International.

Eventually, si Appiah ang tinanghal na winner ng 2020 Miss Grand International, first runner-up si Samantha, at 3rd runner-up si Ivana matapos ang three-way tie-breaker question sa kanila.

Mahusay magsalita ng Thai language si Appiah at may mga nagsasabing isa ito sa mga dahilan kaya siya ang nagwagi ng korona ng 2020 Miss Grand International.

History repeats itself dahil marunong ding magsalita ng Thai language si Nguyen, ang newly crowned Miss Grand International.

Ang kaalaman nina Appiah at Nguyen sa lengguwahe ng mga Thai ang pinagmulan ng mungkahing marunong o dapat mag-aral ng salita ng mga Thai ang kandidata na ipapadala ng Pilipinas sa 10th Miss Grand International, na idaraos sa Indonesia sa October 2022 dahil baka ito ang susi para makuha na ng ating bansa ang mailap na korona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Incidentally, hindi pumasok sa Top 20 semi-finalists ng 9th Miss Grand International ang kandidata ng Thailand na si Indy Johnson. Pero bago matapos ang coronation night, binigyan siya ng pampalubag-loob na Best in Gown special award.

Gaya ni Miss Grand Thailand, thank you girl si Miss Grand Philippines Samantha Panlilio pero tumanggap siya ng mga pagbati mula sa ating mga kababayan dahil sa laban na ipinamalas niya sa international beauty pageant na nilahukan.

Naglabas din ng congratulatory message para kay Panlilio ang Bb.Pilipinas Charities Inc. (BPCI), ang organisasyon na nagpadala sa kanya sa 9th Miss Grand International.

Samantha Panlilio

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Thank you for raising our flag, Sam! Stella Marquez Araneta and BPCI are delighted with your grand performance at Miss Grand International. Thank you for giving the Philippines a good fight in Thailand. We are very proud of you, our Binibining Pilipinas Grand International 2021,” ang pampalubag-loob din na mensahe ng BPCI kay Panlilio.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Miss Grand Vietnam 2021 Tien Thuc Thuy Nguyen ang hinirang bilang Miss Grand International 2021 sa coronation night na ginanap ngayong Sabado ng gabi, December 4, sa Show DC Hall ng Bangkok, Thailand. (Inset shows outgoing Miss Grand International 2020 Abena Appiah crowning her successor).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results