Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, may Christmas concert

by Jojo Gabinete
Dec 5, 2021
Matteo Guidicelli, Sarah Geronimo
Want an exclusive meet and greet with Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo? Read below to find out how.
PHOTO/S: Viva PR material

Sa kauna-unahan na pagkakataon, magsasama sa isang virtual Christmas concert si Sarah Geronimo at ang kanyang asawang si Matteo Guidicelli.

Christmas with The G’s ang pamagat ng intimate concert ng Guidicelli couple at mapapanood ito sa December 18, 8 pm sa mga streaming site na ktx.ph at Vivamax Plus.

Ang mga foreign at local Christmas songs na malapit sa puso ng mga Pilipino at binigyan ng mga bagong areglo tulad ng "Jingle Bells," "O Holy Night," "Ang Pasko ay Sumapit," at "Sana Ngayong Pasko" ang ilan sa mga kakantahin nina Sarah at Matteo.

May special participation sa Christmas with The G’s ang tinaguriang "Mr. Christmas" ng Pilipinas na si Jose Mari Chan at ang international award-winning a capella group, ang Acapellago.

Si Louie Ocampo ang musical director, si Paolo Valenciano ang direktor, ang Viva Live at ang G Productions nina Sarah at Matteo ang mga producer ng Christmas with The G’s.

Continue reading below ↓

P1,500 ang halaga ng regular tickets at P2,500 ang VIP tickets para sa special Christmas event nina Sarah at Matteo.

Makakatanggap ng Zoom link ang mga bibili ng VIP tickets para sa exclusive invitation sa online meet and greet session ng mag-asawa.

Mabibili ang tickets para sa Christmas with the G’s sa web.vivamax.net at sa www.ktx.ph.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Want an exclusive meet and greet with Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo? Read below to find out how.
PHOTO/S: Viva PR material
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results