Dalawang singer-actor, winakasan na ang pagkakaibigan

by Jojo Gabinete
Dec 5, 2021
blind item, two men
Napagtanto ni Singer-Actor A na, kagaya ng dating relasyon sa isang aktres, walang forever ang friendship nila ni Singer-Actor B.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Hindi na magkaibigan ang dalawang singer-actor dahil hindi sila magkasundo sa mga desisyon para sa negosyo na kanilang itinayo.

Nabigla si Singer-Actor A nang layasan ni Singer-Actor B ang kanilang kumpanya dahil ang buong akala niya, panghabambuhay ang pagiging magkaibigan nila.

Napagtanto ni Singer-Actor A na gaya ng nakaraan na relasyon niya sa isang aktres, walang “forever” ang friendship nila ni Singer-Actor B.

Meron na kasing sariling identity si Singer-Actor B dahil nagtatag ng bagong negosyo kaya hindi na siya mabubuhay sa anino ng kaibigan na dating mas popular kesa sa kanya.

Nakatulong kay Singer-Actor B ang desisyon nito na wakasan ang pagkakaibigan nila ni Singer-Actor A dahil nagpapayat siya at ni-reinvent ang sarili para sa bagong kabanata ng kanyang showbiz career.

Kabaligtaran naman ang nangyari kay Singer-Actor A na nagpabaya sa katawan kaya tumaba at nawala ang star aura dahil naramdaman niya nang husto ang epekto ng coronavirus pandemic sa kanyang showbiz career na hindi niya binigyan ng pagpapahalaga.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napagtanto ni Singer-Actor A na, kagaya ng dating relasyon sa isang aktres, walang forever ang friendship nila ni Singer-Actor B.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results