Watch Now

Julia Barretto, nagsimula na ang shooting para sa pinaka-daring niyang pelikula

by Jojo Gabinete
Dec 6, 2021
julioa barretto expensive candy
Julia Barretto has started her lock-in shooting for the movie Expensive Candy, directed by Jason Paul Laxamana and also stars Carlo Aquino.
PHOTO/S: @jplaxamana on Instagram

Nag-umpisa ang lock-in shooting ng Expensive Candy noong December 2, 2021 pero kahapon lamang naglabas sa social media ang direktor na si Jason Paul Laxamana ng mga larawang kuha sa set ng kanyang bagong pelikula.

Si Julia Barretto ang lead actress sa Expensive Candy, na pinakamapangahas at magpaghamong proyekto ng aktres base sa kanyang calendar-worthy photo na ibinahagi ni Laxamana sa publiko.

Si Carlo Aquino ang leading man ni Julia sa Expensive Candy.

Kinukunan ang mga eksena ng pelikula sa isang bayan sa Pampanga, ang paboritong lalawigan ni Laxamana dahil dito siya isinilang at lumaki.

Ang Expensive Candy ang reunion movie nina Julia at Laxamana. Una silang nagkasama sa Between Maybes, ang hit movie na ipinalabas sa mga sinehan noong May 2019.

Memorable para kay Julia ang Between Maybes dahil ito ang unang pagsasama nila ni Gerald Anderson sa isang pelikula. Dito rin nagsimula ang pagkakamabutihan nila na humantong sa totohanang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Expensive Candy ang ikalawang pelikula ni Julia para sa 2021 dahil natapos na ang shooting niya para sa suspense-thriller movie na Bahay Na Pula na mula sa direksiyon ni Brillante Mendoza.

Sina Xian Lim at Marco Gumabao ang mga kapareha ni Julia sa Bahay Ba Pula.

Bukod sa mga movie project na Expensive Candy at Bahay Na Pula, si Julia ang lead actress sa weekly drama series na Di Na Muli na napapanood sa TV5 at sa Vivamax streaming site.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto has started her lock-in shooting for the movie Expensive Candy, directed by Jason Paul Laxamana and also stars Carlo Aquino.
PHOTO/S: @jplaxamana on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results