Juliana Parizcova Segovia, inaming hindi siya nagkaroon ng karanasan sa babae

by Jojo Gabinete
Dec 7, 2021
juliana parizcova segovia
Juliana Parizcova Segovia on why his character was removed from the title of the movie Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie O Sige: "Hindi ko alam kung ano yung nangyari, pero siyempre kung mabibigyan ako ng chance, gusto ko nandoon talaga sa title ang karakter ko na Sang-gay. For me, isang napakalaking karangalan na mapasama [sa pelikula], pero alam ko may reason behind kung bakit nabago siya."
PHOTO/S: YouTube / @juliana_parizcova on Instagram

Hindi itinatanggi ng first Miss Q&A winner na si Juliana Parizcova Segovia na sa edad na 37, hindi pa niya nararanasang magkaroon ng sexual relationship sa isang babae. Pero nasubukan na raw niyang manligaw noong high school student siya.

Kuwento ni Juliana, “Meron talaga akong na-bet-an na isang girl.

"Actually, yung girl ang may bet sa akin noong high school ako at nag-try ako na ligawan siya.

"Pero nung nalaman niyang babading-bading ako, binasted ako.

"Pero ako yata yung nabasted na masaya kasi hindi nagtagumpay. Sa lahat ng mga nabasted ng babae, ako lang yung masaya!" natatawang sabi ni Juliana.

Hindi lamang ang kawalan niya ng karanasan sa babae ang itinanong kay Juliana sa Monday afternoon (December 6) virtual media conference ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie O Sige dahil hiningi rin ang opinyon niya tungkol sa pamagat ng pelikulang pinagbibidahan nila nina Andrew E., Dennis Padilla, at Janno Gibbs.

Continue reading below ↓

sanggano cast

Si Al Tantay ang direktor ng comedy movie na may original title na Sanggano, Sanggago’t, Sanggwapo, Sang-gay dahil kabilang si Juliana sa mga bida. Pero biglang nagkaroon ng pagbabago kaya nawala sa pamagat ng pelikula ang karakter niya.

Saad ni Juliana, “Nag-usap kami ni Direk Al Tantay nung last shooting day namin.

Continue reading below ↓

"Originally kasi ang title ng movie is Sanggano, Sanggago’t, Sanggwapo, Sang-gay. Yun ang original title ng movie, yun ang binuo ni Direk Al.

"Hindi ko alam kung ano yung nangyari, pero siyempre kung mabibigyan ako ng chance, gusto ko nandoon talaga sa title ang karakter ko na Sang-gay.

"For me, isang napakalaking karangalan na mapasama [sa pelikula], pero alam ko may reason behind kung bakit nabago siya.

"Siguro, in God’s perfect timing, magkakaroon din ako kapag nagkasama-sama ulit kami, na nandoon na sa title yung role ko."

Nawala man sa pamagat ng pelikula ang karakter niya, nagpapasalamat si Juliana dahil nabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho sina Andrew E., Dennis, at Janno.

Gustung-gusto rin ni Juliana na isang tunay na lalake o straight guy ang papel na ginagampanan niya sa sex-comedy movie na mapapanood sa Vivamax simula sa December 31, 2021.

MORE CABINET FILES STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Juliana Parizcova Segovia on why his character was removed from the title of the movie Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie O Sige: "Hindi ko alam kung ano yung nangyari, pero siyempre kung mabibigyan ako ng chance, gusto ko nandoon talaga sa title ang karakter ko na Sang-gay. For me, isang napakalaking karangalan na mapasama [sa pelikula], pero alam ko may reason behind kung bakit nabago siya."
PHOTO/S: YouTube / @juliana_parizcova on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results