Angeline Quinto kumpirmadong five months pregnant

by Jojo Gabinete
Dec 9, 2021
angeline quinto pregnancy
Kumpirmadong limang buwan nang buntis si Angeline Quinto, at ipagtatapat ito ng singer-actress sa exclusive interview sa kanya ni Boy Abunda.
PHOTO/S: Instagram / YouTube

Isang malapit kay Angeline Quinto ang nagkumpirmang exclusive na nagpainterbyu ang singer-actress kay Boy Abunda.

Mapapanood ito sa The Interviewer ng The Boy Abunda Talk Channel sa YouTube simula bukas, December 10.

angeline quinto boy abunda

Sinabi ng Cabinet Files source na si Boy lamang ang pinagkatiwalaan ni Angeline sa pagtatapat nito sa publiko tungkol sa limang buwang pagbubuntis niya.

Continue reading below ↓

Baby boy ang magiging panganay nila ng kanyang boyfriend na walang kinalaman sa entertainment industry.

Reportedly, tumagal ng mahigit sa kalahating oras ang pag-uusap nina Boy at Angeline na excited na sa bagong kabanata ng kanyang buhay kaya maraming napag-usapan ang dalawa.

Si Angeline ang special guest ni Vice Ganda sa concert nito sa California noong October 2021. Buntis na siya noon pero hindi pa halata.

U.S.-based ang ina ng boyfriend ni Angeline at, diumano, nagkita sila nang magpunta ang singer-actress sa California para sa show nila ni Vice.

Tila mahihirapan ang publikong malaman ang katauhan ng boyfriend ni Angeline dahil sa kagustuhan nitong manatiling pribado ang kanyang personal na buhay.

Pero may mga impormasyong kababata ni Angeline ang lalake at nagsimula ang kanilang relasyon bago nag-umpisa ang coronavirus pandemic noong nakaraang taon.

Kahit limang buwan na ang ipinagbubuntis na sanggol ni Angeline, tuluy-tuloy ang kanyang trabaho. Lumipad siya sa Dubai para sa show niya sa Expo Dubai 2020 na nangyari kahapon, December 8.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kumpirmadong limang buwan nang buntis si Angeline Quinto, at ipagtatapat ito ng singer-actress sa exclusive interview sa kanya ni Boy Abunda.
PHOTO/S: Instagram / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results