Luis Hontiveros, natanggalan ng plaster sa foursome love scene sa Palitan

by Jojo Gabinete
Dec 13, 2021
luis hontiveros palitan
Luis Hontiveros on dick slip photo: "That unfortunate accident, let it be something na experience na lang to the viewers. I will leave it at that. Kung mas matuwa sila, that’s good. Kung ano yung maramdaman nila, sa kanila na lang yun. But for me, I kept it professional."
PHOTO/S: Viva Films

Mabilis na naging Top 1 content ng Vivamax ang erotic-drama movie na Palitan nang magsimula ang streaming nito noong nakaraang Biyernes, December 10, 2021.

Kasabay ng pagsampa ng Palitan sa number one position sa Vivamax ang pagkalat sa Internet ng screenshot ng dick slip photo ni Luis Hontiveros, na walang kamalay-malay na nakunan ng drone camera ang private part niya sa foursome waterfalls love scene nila nina Jela Cuenca, Cara Gonzales, at Rash Flores.

“To be honest, hindi planado yun," nakangiting sabi ng Kapuso actor.

"Not like Rash, I didn’t have the balls, the courage to go all out na walang plaster, but I had plaster on set bago lumusong sa tubig.

"Dahil nga nasa waterfalls, rushing ang water, malakas yung current, hindi na kinaya ng plaster. Nainitan na siguro, ayun lumangoy, naging entrance fee na lang sa waterfalls.

"Siya na yung pambayad ng aming pag-u-utilize sa kanyang beauty, ng location."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ni Luis, "My reaction to the photo, I didn’t know. It’s not easy, to be honest, it’s not easy.

"I mean, anyone or unless you’re a pornstar, you’d be completely proud and okay about it.

"But I’m proud of the film. Kung ano yung naibigay, maibibigay na experience ng aming pelikula, I’m proud of that.

"That unfortunate accident, let it be something na experience na lang to the viewers. I will leave it at that.

“Kung mas matuwa sila, that’s good. Kung ano yung maramdaman nila, sa kanila na lang yun. But for me, I kept it professional.

"Hindi ko na gustong putulin pa, magpa-cut ako kay Direk, iantala pa ang lahat kasi mainit ng araw na yun."

Ipinaliwanag ni Luis na hindi niya alam na nakatutok sa kanila ang drone camera dahil naging maingat siya nang kunan ang kontrobersiyal na foursome love scene.

Nang matanggal ang plaster sa kanyang private part, tumalikod si Luis sa kamera at inilubog niya sa tubig ang kalahati ng kanyang katawan para hindi siya masilipan. Pero iba ang nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento niya, "Unang-una, napakalamig ng tubig so it would be somewhat unprofessional for me to cut off the whole scene just to kabitan na lang ulit [ng plaster].

"Ako, I did my best. I just didn’t know, hindi sinabi sa akin na nandoon na pala yung drone sa taas ko kasi may kamera sa likod namin."

Aminado si Luis na nahirapan siya sa lahat ng kanyang mga eksena sa Palitan, pero ipinagmamalaki niya nang husto ang pelikula.

Hindi naman big deal ang isyu para sa ibang mga nakakita sa kumakalat na revealing picture ni Luis mula sa eksena ng Palitan dahil mas higit pa ang napanood nila sa leaked private videos ng former Pinoy Big Brother housemate.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Hontiveros on dick slip photo: "That unfortunate accident, let it be something na experience na lang to the viewers. I will leave it at that. Kung mas matuwa sila, that’s good. Kung ano yung maramdaman nila, sa kanila na lang yun. But for me, I kept it professional."
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results