Watch Now

Vince Rillon inaming nakaranas na ng threesome: “Siyempre mapusok tayo noong kabataan natin.“

by Jojo Gabinete
Dec 14, 2021
Vince Rillon accidental actor
Vince Rillon on chance encounter with acclaimed director Brillante Mendoza: "Naiwanan ng mga kuya ko yung isang daan na kutsara, isang daan na tinidor. Dinala ko sa event, tapos nakita na po ako ng mga direktor."

Si Vince Rillon ang pangunahing aktor sa Siklo, ang sexy suspense drama movie ng direktor na si Roman Perez Jr. at opening salvo ng Vivamax para sa January 2022.

Si Giselle Sanchez ang host ng virtual media conference ng Siklo, at siya ang nagtanong kay Vince tungkol sa pinakamapangahas na ginawa nito sa tunay na buhay.

Sabi pa ni Giselle, hindi raw kasali ang sexy scene ni Vince sa pelikulang dinirek ni Roman Perez Jr.

"Nagkaroon ka na ba ng boyfriend na lalake?" prangkahang tanong ni Giselle.

Hindi sinagot ni Vince dahil pinili nitong magkuwento tungkol sa sampol ng kanyang "mapusok" na karanasan noong high school student siya.

Lahad ni Vince: "Dati, nung high school kami, hindi ko makakalimutan na meron akong friend, tapos one girl, two boys.

"May something na nangyari. First year high school, hindi ko makakalimutan.

"Past na ‘yon, siyempre mapusok tayo noong kabataan natin.

"Hindi naman tayo perpekto. Lahat naman tayo, may kanya-kanyang pagkakamali."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ACCIDENTAL ACTOR

May kinalaman ang isandaang kutsara at isandaang tinidor na naiwan ng kanyang mga kapatid na waiter sa bahay nila kaya naging artista si Vince.

Ikinuwento ni Vince na wala talaga sa isip niya ang pag-aartista, pero nagbago ang takbo ng kanyang buhay nang makilala niya ang award-winning director na si Brillante Mendoza.

"Nag-aaral lang po ako. Wala po sa utak ko yung pag-aartista. Dati, dancer lang po ako, tapos tambay-tambay, siyempre, estudyante.

"Disgrasya lang po siguro yung nangyari kaya napapunta ako sa industriya," bungad ni Vince.

Nadiskubre siya ni Brillante nang isalba niya ang mga kapatid sa catering event ng mga ito.

Kuwento ni Vince, "Yung dalawang kuya ko po kasi, mga waiter, so nag-e-event-event sila sa mga party.

"Parang nagkaroon sila ng event with mga direktor. Naiwanan ng mga kuya ko yung isang daan na kutsara, isang daan na tinidor.

"Dinala ko sa event, tapos nakita na po ako ng mga direktor."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FIRST ACTING STINT AT 16

Sixteen years old si Vince nang mamataan siya ni Brillante sa event na tinutukoy niya.

Si Brillante ang nagbigay kay Vince ng unang movie project nito noong 2012, ang Captive.

Tungkol sa buhay ng mga hostage victim na kinidnap ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Dos Palmas Resort, Palawan ang kuwento ng Captive. Nangyari ang insidente noong May 27, 2001 at nailigtas ang mga biktima noong June 7, 2002.

Pero nasawi ang American missionary na si Martin Burnham at ang Filipino nurse na si Ediborah Yap sa real-life story na iyon.

Inalala ni Vince ang pagsisimula ng kanyang acting career pati ang mga aral na natutunan niya mula kay Brillante.

Balik-tanaw niya: "Ang una pong ginawa ko was Captive. Bata pa po ako, 16 years old.

"Hinahayaan lang niya po ako kasi alam niya bata ako, maglalaro. Yung utak ko, wala pa sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nung nag-first year college na ako, dun ko na nagustuhan yung mga ginagawa ko.

"Napamahal na sa akin ang pelikula kasi nagtatanong-tanong na ako sa kanya, 'Direk, ano ang ipinagkaiba ng indie sa mainstream? Bakit may immersion tayo?'"

Marami ang nagsasabi kay Vince na parang sinusundan niya ang career path ni Coco Martin dahil pareho silang nagsimula bilang mga artista ng mga indie movie at si Brillante ang mentor nila.

Pero hindi raw niya inisip na siya ang papalit sa bida ng longest-running teleserye na FPJ's Ang Probinsyano.

"Coco Martin po is Coco Martin. Hindi na po mapapalitan ‘yan. Coco is Coco.

"Siguro ngayon, mapapalitan yung Coco Martin ng bagong henerasyon, pero hindi mapapalitan si Coco kasi Coco yun, e.

"Maaaring may sumunod pero hindi ko naman iniisip na ako ‘yon."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vince Rillon on chance encounter with acclaimed director Brillante Mendoza: "Naiwanan ng mga kuya ko yung isang daan na kutsara, isang daan na tinidor. Dinala ko sa event, tapos nakita na po ako ng mga direktor."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results