Watch Now

MMFF 2021 Fluvial Parade of Stars: big stars, di sumama sa parada

by Jojo Gabinete
Dec 19, 2021
mmff 2021 fluvial parade of stars
MMFF 2021 FLUVIAL PARADE OF STARS: (top, L-R) Rita Daniela and Ken Chan of Huling Ulan Sa Tag-araw; Pio Balbuena, Meg Imperial, and Janno Gibbs of A Hard Day; and Christian Bables of Big Night; (bottom, L-R) Daniel Padilla of Kun Maupay Man It Panahon, Toni and Alex Gonzaga of The Exorsis, and Kim Chiu of Huwag Kang Lalabas.
PHOTO/S: Screen grab from MMFF Facebook

Maganda ang konsepto ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Executive Committee at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na idaos sa Pasig River ang Parade of Stars ng 47th edition ng MMFF.

Pero naging matamlay ito dahil sa maulan na panahon at sa hindi pagdalo ng mga sikat na artista na may mga pelikulang kalahok.

May sariling coverage sa fluvial Parade of Stars ang netizens kaya live na napanood sa maraming Facebook page ang buong kaganapan.

Nakasakay sa ferry boats ang cast ng walong pelikula na opisyal na kasali sa 47th Metro Manila Film Festival.

mmff 2021 fluvial parade of stars

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil nasa gitna sila ng ilog, nadismaya ang mga nanood ng parada na nawalan ng pagkakataong makita nang malapitan ang kanilang mga iniidolong artista.

mmff 2021 fluvial parade of stars

Wala ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga sa ferry boat ng The ExorSIS dahil pumayag ang MMDA na dumiretso na lamang sila sa Circuit Mall para sa MMFF program na naganap pagkatapos ng fluvial parade.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin nakadalo sa Parade of Stars sina Dingdong Dantes at John Arcilla, ang mga bida ng A Hard Day ng Viva Films.

Hindi pa tapos ang mandatory quarantine ni Dingdong na nanggaling sa Israel. Sinamahan niya roon ang kanyang misis na si Marian Rivera, isa sa mga hurado ng 70th Miss Universe. No-show naman si John dahil masama ang pakiramdam.

Ang A Hard Day co-stars na sina Meg Imperial, Pio Balbuena, at Janno Gibbs ang mga naging kinatawan ng pelikula ni Dingdong sa fluvial Parade of Stars.

mmff 2021 fluvial parade of stars

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anim na buwan na ang sanggol na ipinagbubuntis ni Winwyn Marquez, bida ng Nelia, at ito ang valid reason nang hindi niya pagsipot sa Parade of Stars.

mmff 2021 fluvial parade of stars

VILMA AND SHARON DURING 1980 MMFF

Ang kalagayan ni Winwyn na lead actress ng Nelia ang nagpaalaala sa amin sa sitwasyon ni Vilma Santos nang magbuntis ito kay Luis Manzano noong 1980.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Twenty-seven years old si Vilma nang ipagbuntis niya si Luis.

May pelikula siyang kasali sa 6th Metro Manila Film Festival noong 1980, ang Langis at Tubig ng Sining Silangan Inc. Pinagbidahan nila ito ni Amy Austria at ng pumanaw na aktor na si Dindo Fernando.

langis at tubig

Kahit limang buwan na ang sanggol na ipinagbubuntis noon ni Vilma, dumalo pa rin siya sa Parade of Stars ng 6th MMFF na ginanap sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Maynila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natatandaan naming puti ang kulay ng gown na suot ni Vilma na nakaupo lamang sa silya sa kabuuan ng parada habang binabagtas ng float ng Langis at Tubig ang Roxas Boulevard para hindi siya masyadong mapagod dahil nga sa kanyang kalagayan.

Si Sharon Cuneta ang kumanta ng theme song ng Langis at Tubig, na mula sa direksyon ng pumanaw na direktor na si Danny Zialcita.

Fourteen years old pa lamang noon si Sharon.

Kasama siya sa mga nakasakay sa float ng Langis at Tubig, ang unang pagkakataong nagkaroon siya ng karanasan na maging parte ng Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival.

Kaway nang kaway si Sharon na white T-shirt at denim jeans ang kasuotan habang nakaupo (Indian-style sitting) sa unahan ng float ng Langis at Tubig dahil tuwang-tuwa siya sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga taong nag-abang sa parada ng mga artista.

Nang sumunod na taon, 1981, inilunsad si Sharon bilang bida ng blockbuster film na Dear Heart na, coincidentally, si Danny rin ang direktor at ang Sining Silangan Inc. din ang producer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

dear heart 1981

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MMFF 2021 FLUVIAL PARADE OF STARS: (top, L-R) Rita Daniela and Ken Chan of Huling Ulan Sa Tag-araw; Pio Balbuena, Meg Imperial, and Janno Gibbs of A Hard Day; and Christian Bables of Big Night; (bottom, L-R) Daniel Padilla of Kun Maupay Man It Panahon, Toni and Alex Gonzaga of The Exorsis, and Kim Chiu of Huwag Kang Lalabas.
PHOTO/S: Screen grab from MMFF Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results