Watch Now

Jelai Andres, naging love guru ng mga babaeng may problema sa asawa

by PEP Troika
Dec 20, 2021
jelai andres love guru
Jelai Andres on recovering from her failed marriage: “Talaga naman pong nahirapan ako, hindi lang po ako nahirapan, talagang gumapang po ako sa mga pinagdaanan ko. Parang namatay po na nabuhay na lang ulit.”
PHOTO/S: @jelaiandresofficial on Instagram

GORGY RULA

Pawang love problems daw ngayon ang inilalapit sa aktres at social media influencer na si Jelai Andres dahil sa mga pinagdaanan niya sa kanyang married life.

Ongoing pa ang annulment case nila ng kanyang asawa na si Jon Gutierrez kaya hindi pa siya makapagsalita kapag tungkol dito ang itinatanong.

Ang laki ng pasasalamat ni Jelai dahil sa nalagpasan na raw niya itong lahat na pinagdaanan niya.

“Talaga naman pong nahirapan ako, hindi lang po ako nahirapan, talagang gumapang po ako sa mga pinagdaanan ko.

“Parang namatay po na nabuhay na lang ulit,” pakli ni Jelai sa nakaraang mediacon ng Beautederm, kung saan ay kinuha siyang endorser ng Reiko at Kenzen health booster.

Dahil dito, ang dami raw mga kababaihang lumalapit sa kanya at humihingi ng payo dahil dumadanas sila ng kagaya ng mga pinagdaanan niya.

Kuwento ni Jelai, “Dati po pag ako tinatanong nila kung paano mag-move on, sabi ko, 'Bakit ako ang tinatanong niyo, e, ako nga hirap na hirap din, hindi ko alam kung paano.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero ngayon ay nasasagot ko na po sila. Tingin ko nga po parang love guru na ako kasi nakikinig sila sa akin.

“Feeling ko naman may natutulong ako sa kanila.

“Pero sinasabi ko sa kanila, depende sa sitwasyon, depende sa tao.”

Nakakabawi na raw si Jelai ngayon at nagpapasalamat siya sa lahat ng mga nagtitiwala sa kanyang mag-endorse ng mga produkto dahil sa lakas niya sa social media. Mahigit 17 million ang combined followers niya sa Facebook, Instagram, Twitter, at YouTube.

Patuloy niya, “Dati kasi gumigising ako na lagi akong umiiyak. Umiiyak bago matulog.

“Ngayon, thankful ako, kasi hindi na ako umiiyak. Ngayon, iniisip ko ay napagdaanan ko na yun, hindi ko na siya nararamdaman.

“Naiiyak ako, kasi ngayon iba na. Masaya na po ako ngayon.”

JERRY OLEA

Isinantabi muna ni Jelai ang love life. Mabuting mag-entertain lang daw muna siya ng suitors, at mamili kung sino ang mas gusto niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa mga pinagdaanan niya sa kanyang buhay may asawa, ang na-realize daw niya ay mahalin muna ang sarili.

“In love po ako sa sarili ko.

“Natutunan ko po na kailangan mahal po ang sarili mo, bago mo ibibigay ang pagmamahal sa iba,” sagot ni Jelai nang tinanong ng PEP Troika kung open na ba siyang ma-in love uli.

Kaagad naman itong sinang-ayunan ng Beautederm CEO na si Rhea Anicoche-Tan. Kaya nga raw niya kinuha si Jelai dahil isa raw siya sa nagbibigay halimbawa ng women empowerment.

Sabi ni Rhea, “Kaya isa rin sa mga reasons kaya ko siya kinuha kasi nabilang po siya sa grupo ng mga empowered women.

“Hindi porke’t broken ka, hindi ka na puwedeng bumangon uli. Laban. Kaya isa rin siya sa meyembro ng kababaihan na meron lang mawala sa buhay mo, hindi ka na puwede.

“Sabi ko nga, ang pinakamagandang vengeance is to be beautiful. So, here she is now.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

rhea tan jelai andres

Rhea Tan (left) and Jelai Andres

NOEL FERRER

Iba rin ang reach ng social media stars like Jelai Andres. Ngayon, isa na siyang ambassador o endorser.

What’s next for her? Will she become an actress o mananatili siyang influencer?

Sana kumonek si Jelai sa mas maraming tao dahil sa kanyang kahusayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Teka, saan ba siya talaga magaling? Dapat dun siya makilala talaga!

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jelai Andres on recovering from her failed marriage: “Talaga naman pong nahirapan ako, hindi lang po ako nahirapan, talagang gumapang po ako sa mga pinagdaanan ko. Parang namatay po na nabuhay na lang ulit.”
PHOTO/S: @jelaiandresofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results