Watch Now

Dingdong Dantes at Marian Rivera, nakapiling muli ang mga anak; Dingdong, excited mapanood ang A Hard Day

by Jojo Gabinete
Dec 20, 2021
marian dingdong reunited with children
Dingdong Dantes and Marian Rivera are reunited with their children Zia and Ziggy (left) after two-week stay in Israel and mandatory quarantine; Dingdong is excited to watch his MMFF 2021 movie A Hard Day (right).
PHOTO/S: @dongdantes on Instagram / Viva Films

Makalipas ang limang araw na mandatory quarantine sa isang IATF-accredited hotel, nakauwi na sa bahay nila ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ibinahagi ni Dingdong sa kanyang Instagram account ang mga larawan ni Marian habang mahigpit nitong yakap-yakap ang mga anak na sina Zia at Ziggy.

Halos dalawang linggong hindi nakapiling nina Dingdong at Marian ang kanilang mga anak dahil sa kanilang nakaraang biyahe sa Israel para sa 70th Miss Universe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos ang mandatory hotel and home quarantine nila ni Marian, magiging abala na si Dingdong sa promo ng A Hard Day, ang pelikulang pinagbibidahan niya at official entry ng Viva Films sa 47th Metro Manila Film Festival.

Maraming dahilan para panoorin ang A Hard Day dahil isa ito sa pinakamagandang pelikula na ginawa ni Dingdong at pinakamahusay na pagganap niya.

Napanood na namin ang original South Korean version ng A Hard Day, na ipinalabas sa 67th Cannes Film Festival noong May 2014, kaya masasabi naming mas maganda ang Philippine adaptation na pinagbidahan ni Dingdong at mula sa direksiyon ni Lawrence Fajardo.

Hindi pa napapanood ni Dingdong ang kabuuan ng Pinoy version ng A Hard Day kaya ikinatuwa niya ang mga papuri at positibong komento tungkol sa pinakamahirap na proyektong kanyang ginawa.

“Hindi pa buo ang version na napanood ko dahil nag-dubbing pa kami so ang daming cuts, that’s why sa premiere night ko pa lang talaga siya makikita nang buo,” sabi ni Dingdong nang makausap siya ng Cabinet Files.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula nang magkaroon ng coronavirus pandemic, hindi pa nanonood si Dingdong ng sine.

Mmagiging memorable sa kanya ang A Hard Day dahil makalipas ang halos dalawang taon, muli siyang makakapasok sa loob ng sinehan at sariling pelikula pa ang kanyang panonoorin.

Kapana-panabik at nakakabilib ang mga eksena ng A Hard Day kaya parang makakasama ang manonood sa paglalakbay at sa mga makatotohanang action scenes ng karakter ni Dingdong.

Pero may mga eksena si Dingdong na nakakatawa, kasama ang comedian na si Jelson Bay at si Chad Kinis, na isang astig na pulis ang karakter na ginagampanan.

“Ay, nakoo, sobrang ganda ng eksenang yun!” natawang reaksiyon ni Dingdong nang banggitin namin ang mga eksena nila nina Jelson at Chad.

“Talagang ang dami nilang inputs na ibinibigay kapag nandoon na so siyempre parang kailangan medyo matikas.

“Kailangan talagang sinisindak sila so parang medyo napapalakas, 'Oy, sorry sorry!'

“Sabi nila, ‘Hindi, okay lang,’ tapos ginagantihan nila ako so ang saya ng eksenang yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tulad ng aming obserbasyon, mas maganda ang Philippine adaptation ng A Hard Day kesa sa original version kaya may "isyu" sa mga Filipino director ang Korean filmmakers.

Nang magkaroon ng Pinoy version ang Miracle in Cell No. 7, official entry sa 45th Metro Manila Film Festival noong December 2019, at ang The Housemaid na mapapanood pa rin sa Vivamax, may mga nagsabing mas pulido ang pagkakagawa ng mga Pilipinong direktor sa mga naturang pelikula.

Bumisita sa Pilipinas noong December 2019 ang Miracle in Cell No. 7 Korean producer na si Kim Min Ki at ang direktor na si Lee Hwan Kyung dahil dumalo sila sa red-carpet premiere ng Philippine version na tinampukan ni Aga Muhlach.

Sa interbyu sa kanila, inamin nina Kim Min Ki at Lee Hwan Kyung na nagustuhan nila ang Philippine adaptation ng kanilang pelikula.

Ayon kay Lee Hwan-kyung, napaisip siya nang mapanood niya ang Pinoy version ng Miracle in Cell No. 7 dahil humanga siya at nagtanong sa sarili kung bakit hindi niya ginawa iyon sa Korean version ng kanyang pelikula—pruweba na hindi matatawaran ang husay ng mga Pinoy direktor sa paglikha ng adaptation ng mga Korean film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes and Marian Rivera are reunited with their children Zia and Ziggy (left) after two-week stay in Israel and mandatory quarantine; Dingdong is excited to watch his MMFF 2021 movie A Hard Day (right).
PHOTO/S: @dongdantes on Instagram / Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results