Watch Now

Vilma Santos on Edu Manzano-Cherry Pie Picache relationship: "I wish them all the best."

by Jojo Gabinete
Dec 21, 2021
vilma luis edu cherry pie
Sa wakas ay napagsalita ni Luis Manzano ang inang si Vilma Santos kung ano ang masasabi ng Star For All Seasons sa relasyon ng ex-husband niyang si Edu Manzano kay Cherry Pie Picache (inset).
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Lalong tumaas ang paghanga at respeto ng publiko sa Star for All Seasons na si Vilma Santos dahil tumatanggi itong magsalita o magpainterbyu tungkol sa relasyon ng kanyang ex-husband na si Edu Manzano kay Cherry Pie Picache.

Pero hindi na nakaiwas si Vilma na sumagot nang mismong ang anak nila ni Edu na si Luis Manzano ang nagtanong sa kanya tungkol dito.

“Ano ang iyong reaksiyon sa pagmamahalan ni Daddy O [term of endearment ni Luiskay Edu] at ni Tita Pie?” diretsahang tanong ni Luis sa kanyang ina.

Kitang-kita naman ang pagkabigla ni Vilma sa tanong ng anak.

vilma luis youtube

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Grabe ka! Ang dami-daming tumatawag sa akin, nag-iinterbyu, hindi ko sinasagot, anak. Ang sabi ko, I don’t want… ayokong makialam sa isyu na ‘yan,” sagot ni Vilma.

Ipinaliwanag naman ni Luis na ang pakikipag-usap nito kina Edu at Cherry Pie ang kanyang isusunod sa one-on-one interview niya kay Vilma.

“Silang dalawa ang isusunod ko sa Luis Listens,” sabi ni Luis.

“Ah, really? Oh my God, that’s good to hear,” reaksiyon ni Vilma.

Dagdag pa ng actress-politician, “It’s just that… what’s important, I guess is, puwede ko lang i-share, I’m happy. I’m happy, I’m happy.

“You know naman si Eduardo, your dad, and Pie is a very close friend of mine.

"At this point in time ng buhay natin, ang pinakaimportante lang is nandiyan ang respeto at pagmamahal, so I wish them all the best.”

Si Vilma ang unang babaeng pinakasalan ni Edu.

Nangyari ang kanilang civil wedding sa Las Vegas, Nevada noong July 19, 1980.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Luis, na isinilang noong April 21, 1981, ang bunga ng pagmamahalan nina Edu at Vilma.

Pero humantong din sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

Nagsimula naman sa set ng primetime series ng Kapamilya Channel na Marry Me, Marry You ang ang love affair nina Edu at Cherry Pie.

Noong November 19, 2021, kinumpirma ni Edu ang relasyon nila ni Cherry Pie, na ibinabahagi sa publiko sa pamamagitan ng kanyang Instagram posts ang mga larawan nila ng 66-year-old actor.

Isang viral TikTok video na nagpapakita kay Edu na hinahalikan si Cherry Pie sa backstage ng Christmas special ng ABS-CBN ang nagpapakilig sa kanilang mga tagahanga.

edu cherry pie kiss

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkatrabaho sina Vilma at Cherry Pie sa mga pelikulang Bata, Bata... Paano Ka Ginawa? (1998), Anak (2000), at Ekstra (2013).

Mapapanood ang kabuuan ng exclusive one-on-one interview ni Luis kay Vilma na may pamagat na “Luis Listens to Momski’s Revelations” sa kanyang Luis Manzano channel sa YouTube.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa wakas ay napagsalita ni Luis Manzano ang inang si Vilma Santos kung ano ang masasabi ng Star For All Seasons sa relasyon ng ex-husband niyang si Edu Manzano kay Cherry Pie Picache (inset).
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results