Marc Pingris, tinupad ang pangakong tumakbo nang naka-bra

by Jojo Gabinete
Dec 21, 2021
marc pingris bra,
Marc Pingris: "Blacklist International, congrats sa inyo. Tulad ng promise ko, tumakbo ako na naka-bra sa village namin, kahit nakakahiya. Shoutout sa misis ko. Sorry, baby, pero kailangan kong gawin ‘to."
PHOTO/S: Marc Pingris Facebook

Tulad ng isang tunay na maginoong Pilipino, tinupad ng retired basketball star na si Marc Pingris ang pangako nitong tatakbo siyang nakasuot ng bra kapag nanalo ang Philippine team sa M3 Mobile Legends World Championship.

Noong December 11, nagbitaw ng hamon si Marc sa kanyang official Facebook page tungkol sa gagawin niya kung sakaling ang Pilipinas ang tanghaling kampeon.

Sabi niya noon: “Hello guys, Marc Pingris here, rooting po para sa Pilipinas M3 Tournament.

"Kapag nanalo ang Pilipinas M3, ang gagawin ko po ay tatakbo ako nang naka-bra dito sa village namin.

"Gagawin ko po ‘yan para sa M3 Pilipinas. So, maraming-maraming salamat po, Pilipinas lang ang malakas."

Tinandaan ng netizens ang dokumentadong hamon ni Marc kaya ipinaalaala nila sa former PBA player ang pangako niya nang maging champion sa M3 Mobile Legends World Championship ang Blacklist International Philippine team at runner-up nito ang ONIC Philippines.

Ginanap ang tournament sa Singapore mula December 6 hanggang December 19, 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Martes ng gabi, December 21, nag-post si Marc sa kanyang Facebook page ng video niya habang tumatakbong suot ang itim na bra bilang patunay na may palabra de honor siya.

“Blacklist International, congrats sa inyo. Tulad ng promise ko, tumakbo ako na naka-bra sa village namin, kahit nakakahiya.

“Shoutout sa misis ko. Sorry, baby, pero kailangan kong gawin ‘to.

"God bless sa Onic…" ang hinihingal na sabi ni Marc habang tumatakbo siya sa village na tinitirhan ng pamilya nila ng kanyang misis na si Danica Sotto.

Nang huminto si Marc sa pagtakbo, inulit niya ang pagbati sa Philippine teams na nagbigay ng karangalan sa ating bansa.

“Congrats… wait lang, hoooo! Congrats nga pala sa Blacklist International, nag-champion sa M3. Sorry, hinahabol ako ng hininga.

Basta congrats Blacklist International, tulad ng promise ko, tumakbo ako na naka-bra sa village namin.

“Sa Onic din, congrats din sa inyo kahit hindi kayo nag-champion. Para sa amin, nag-champion na rin kayo," hinihingal pa ring pahayag ni Marc bago nito ipinagpatuloy ang pagtakbo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa pagkakaroon ng isang salita, tumanggap si Marc ng mga papuri mula sa netizens na saludo sa kanya nang tuparin niya ang binitiwan na pangako.

UPDATE: May paglilinaw si Marc para matigil na ang mga haka-haka tungkol sa itim na bra na isinuot niya nang tumakbo siya sa paligid ng village na kanilang tinitirhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ni Marc na hindi pumayag si Danica na pahiramin siya ng bra dahil sa mga "trip” niya kaya ang trusted kasambahay ng Pingris family na tinatawag nilang “Manang" ang nagpahiram sa kanya ng itim na bra.

Bagong bra ‘yan ni Manang! Di pa nasuot. Ayaw ako pahiramin ni Danica, kung anu-ano raw [ang] trip ko,” ang paliwanag ni Marc.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marc Pingris: "Blacklist International, congrats sa inyo. Tulad ng promise ko, tumakbo ako na naka-bra sa village namin, kahit nakakahiya. Shoutout sa misis ko. Sorry, baby, pero kailangan kong gawin ‘to."
PHOTO/S: Marc Pingris Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results