Watch Now

Ryza Cenon, binisita ang puntod ng ina sa Nueva Ecija; natatawa sa "kapilyuhan" ng anak

by Jojo Gabinete
Dec 21, 2021
Ryza Cenon
Tatlumpung taon na mula nang pumanaw ang ina ni Ryza Cenon na si Rosanna Simbulan. Nangungulila man sa ina, nagpapasalamat si Ryza sa sayang dulot ng kanyang pamilya partikular na ang one-year-old son niyang si Night.
PHOTO/S: @iamryzacenon / @hellodarling.ph Instagram

Ngayong Martes, December 21, ang 34th birthday ni Ryza Cenon.

Ipinagdiwang niya ang kaarawan sa pamamagitan ng pagbisita sa puntod ng kanyang pumanaw na ina sa Gapan, Nueva Ecija.

Ang ina ni Ryza na si Rosanna Simbulan ay pumanaw noon pang 1991.

Sa kanyang Instagram post, makikitang kasama ng aktres ang anak na si Night, partner na si Miguel Antonio Cruz, at ilang mga kaanak.

Nagdala pa si Ryza ng birthday cake sa puntod ng ina.

Bahagi ng caption ni Ryza, "Lord Jesus, I can’t thank you enough for bringing me this far in life.

"You have blessed me with life, good health, a beautiful family, happiness and peace of mind."

Nag-alay rin ng dasal si Ryza para sa mga nasalanta ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.

Ryza Cenon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos ang pananghalian sa libingan ng kanyang ina, bumalik agad si Ryza sa Metro Manila para asikasuhin ang nakasanayang pamimigay ng mga tulong at donasyon sa mga nangangailangan sa tuwing kaarawan niya.

HANDS-ON MOM

Mula nang isilang ni Ryza ang anak na si Night noong October 31, 2020, marami ang nakapansing lalong gumanda ang aktres dahil sa positive aura nito na tanda ng kaligayahang nararamdaman.

Pero iba ang tingin niya sa sarili.

"Wow, salamat po, pero sa totoo lang pangit na pangit po ako sa sarili ko. Hindi ko po alam kung bakit!" natatawang reaksiyon ni Ryza nang makarating sa kanya ang obserbasyon ng mga tao.

Nasasabik na si Ryza na balikan ang pag-arte na pansamantalang nahinto nang magbuntis at magsilang siya kay Night.

Pero ang one-year-old son ang number one priority niya sa kasalukuyan, lalo na ngayong marami na itong alam na "kapilyuhan."

"Naku, marami-rami na po at ang likot-likot na rin niya. Umaarte na rin minsan. Biglang iiyak tapos mabilis mag–switch, tatawanan niya kami," ani Ryza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pandemic baby" si Night dahil isinilang ito sa panahon ng coronavirus pandemic at matagal na panahon bago niya nakita ang "outside world" dahil sa safety reasons.

STRUGGLES IN RAISING A BABY AMID PANDEMIC

Nahirapan si Ryza at ang kanyang partner na si Miguel Antonio Cruz sa unang pagkakataong inilabas nila mula sa kanilang bahay si Night dahil nanibago ito nang husto.

Lahad ng aktres, "Nung umpisa, sobrang hirap din dahil aside sa takot namin na dalhin si Night sa labas, siya rin mismo, naninibago sa kanyang mga nakikita, like iba’t ibang buildings, vehicles, maraming tao, at maraming bata.

"Matagal din kasi na nasanay lang siya sa loob ng bahay."

Unti-unting exposure ang ginawa nila kay Night para maging kumportable ito sa pagpunta sa ibang mga lugar at sa pakikisalamuha sa mga tao.

Aniya, "We started easy lang, dito lang kami sa village nag-start. Every afternoon, iniikot lang namin siya from our house to the chapel na malapit sa bahay, tapos uwi rin agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"After a month, dinala namin siya sa parks like sa U.P."

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tatlumpung taon na mula nang pumanaw ang ina ni Ryza Cenon na si Rosanna Simbulan. Nangungulila man sa ina, nagpapasalamat si Ryza sa sayang dulot ng kanyang pamilya partikular na ang one-year-old son niyang si Night.
PHOTO/S: @iamryzacenon / @hellodarling.ph Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results