Katrina Velarde, balik-social media at may makahulugang mensahe

by Jojo Gabinete
Dec 25, 2021
katrina velarde
Dinalaw nina Katrina Velarde at anak na si Kendrick ang crypt na pinaglagakan ng cremated remains ng asawa niyang si Mike Shapiro kahapon, December 24, 2021.
PHOTO/S: Katrina Velarde's Facebook

Aktibo na uli sa social media ang singer na si Katrina Velarde at ikinatuwa ito ng kanyang mga kaibigan at tagahanga.

Mahigit isang buwan na nagpahinga si Katrina sa social media mula nang pumanaw noong November 14, 2021 ang kanyang American husband, ang internationally renowned musician, drummer, percussionist, at record producer na si Mike Shapiro.

Pinili ni Katrina na manahimik tungkol sa pagpanaw ni Mike pero nalaman ito ng publiko dahil sa mga pakikiramay sa social media ng mga kaibigan ng kanyang asawa mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Kaya naglabas na lamang siya ng opisyal na pahayag, kasama ang pakiusap na igalang ang pribadong pagluluksa nila ng pamilya niya.

Limang araw bago sumapit ang Pasko, nagparamdam si Katrina sa social media sa pamamagitan ng kanyang makahulugang Facebook post na pahiwatig ng saloobin niya.

“Someone you know is preparing for their first Christmas WITHOUT their husband, wife, mother, father, brother, sister, daughter or son. Others are preparing for their LAST.

Continue reading below ↓

“Regardless of the specifics, REMEMBER that this SEASON of joy is often times a season of sorrow for many. Be KIND, be GENEROUS, give LOVE, give HELP; if nothing else, JUST DONT GIVE PEOPLE A HARD TIME.”

Kahapon, December 24, ibinahagi ni Katrina ang mga larawan ng pagdalaw nila ng kanyang anak sa kinalalagakan ng cremated remains ni Mike na nilagyan niya ng caption na “Merry Christmas in heaven Mahal ko. We love and miss you. You’ll be forever in my heart and our hearts.”

Bakas sa mga mata ni Katrina ang lungkot na nararamdaman sa taon na mahirap makalimutan dahil sa mga nangyari sa kanyang buhay.

Nagdesisyon si Mike na manirahan nang permanente sa Pilipinas dahil sa pagmamahal niya kay Katrina at sa ating bansa.

Pinakasalan niya si Katrina sa isang private wedding ceremony sa Tagaytay City noong May 2021 pero makalipas ang anim na buwan, binawian siya ng buhay noong November 14, 2021 na isang malaking dagok sa kanyang naulilang asawa.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dinalaw nina Katrina Velarde at anak na si Kendrick ang crypt na pinaglagakan ng cremated remains ng asawa niyang si Mike Shapiro kahapon, December 24, 2021.
PHOTO/S: Katrina Velarde's Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results