Charo Santos at John Arcilla, di nakadalo sa MMFF 2021 Gabi ng Parangal

by Jojo Gabinete
Dec 27, 2021
mmff 2021 winners
MMFF 2021 winners: (from left) John Arcilla, Best Supporting Actor for Big Night; Rans Rifol, Best Supporting Actress for Kung Maupay Man It Panahon; Christian Bables, Best Actor for Big Night, and Charo Santos, Best Actress for Kung Maupay Man It Panahon.
PHOTO/S: YouTube / Facebook

Eksaktong 8:19 p.m. nang magsimula ang Gabi ng Parangal ng 47th Metro Manila Film Festival na ginanap sa Samsung Hall ng SM Aura Mall ngayong Lunes, December 27.

Natapos ito pasado alas-diyes ng gabi.

Si Giselle Sanchez ang solo host ng 47th Gabi ng Parangal ng MMFF na live na napanood sa official Facebook page ng Metro Manila Film Festival pero napuputol dahil sa mga hindi naiwasang technical difficulties.

Masiglang emcee si Giselle, pero may mga pagkakataong nagkakamali siya sa pagbanggit ng pangalan ng mga award presenter.

Tinawag din niyang "Mr." ang babaeng-babaeng MMFF Jury member na si Manet Dayrit at "Congressman" si Congresswoman Aloy Lim, ang asawa ng pumanaw na former MMDA Chair na si Danilo Lim.

giselle sanchez mmff 2021

Continue reading below ↓

Giselle Sanchez

Miyembro rin ng jury si Senator Christopher "Bong" Go na naatasanng magpakilala sa mga nominado sa best picture category, pero tumagal ng halos tatlong minuto ang pagsasalita niya kaya nakaramdam ng pagkainip ang online viewers.

Ang sarili ang kalaban ni John Arcilla sa best supporting actor category ng 47th Gabi ng Parangal ng MMFF dahil dalawa ang kanyang nominasyon para sa mga pelikulang Big Night at A Hard Day.

Nanalo si John para sa mahusay na pagganap nito sa Big Night.

Pero nagkamali ng akala ang kanyang A Hard Day co-stars na sina Garry Lim at Kedebon Colim na umakyat sa stage para tanggapin ang acting award niya.

john arcilla mmff 2021

Continue reading below ↓

Iniiwasan pa rin ni John na pumunta sa mga lugar na maraming tao dahil aminado ang 55-year-old actor na paranoid pa rin siya sa coronavirus pandemic na kumitil sa buhay ng ilang miyembro ng pamilya niya.

Gaya ni John, hindi nakarating sa Gabi ng Parangal ng 47th MMFF ang best actress winner na si Charo Santos-Concio dahil binabantayan at inaalagaan niya sa ospital ang kanyang asawa na si Cesar Concio na sumailalim sa isang medical procedure ngayong Lunes. Nagwagi si Charo para sa role niya sa Kun Maupay Man It Panahon.

Si Christian Bables ang nanalong best actor para sa Big Night. Ibinahagi niya ang acting award sa fellow best actor nominees na sina Dingdong Dantes, ang lead actor ng A Hard Day, at Daniel Padilla na binigyan ng Special Jury Prize ng MMFF Executive Committee dahil sa kanyang karakter sa Kun Maupay Man It Panahon.

Best supporting actress winner ang baguhang si Rans Rifol na maligayang-maligaya at hindi makapaniwalang nanalo siya para sa kanyang kauna-unahang pelikula.

Continue reading below ↓

Ipinamahagi sa 47th Gabi ng Parangal ang mga special award tulad ng Fernando Poe Jr. Memorial Award for Excellence na ipinagkaloob sa A Hard Day ng Viva Films; ang Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award na ibinigay sa Kun Maupay Man It Panahon; at ang Marichu Vera Perez Memorial Award na tinanggap ng retired veteran actress at former Red Cross Governor Rosa Rosal.

Ang anak ni Rosa Rosal na si Toni Rose Gayda ang tumanggap sa parangal para sa kanyang 93-year-old mother na matagal nang hindi nagpapakita sa publiko kaya ibinahagi na lamang ang larawan niya habang nakahiga sa kama at may caption na Maraming Salamat Po.

rosa rosal tonoi rose gayda mmff 2021

Continue reading below ↓

Pinasalamatan ni Toni ang lahat ng mga kumakatawan sa MMFF dahil sa pagkilala sa mga kontribusyon sa Philippine movie industry ng kanyang ina.

"Pambansang Bampira ng Pilipinas" ang tawag ni Toni sa nanay niya dahil sa matagal na paglilingkod nito sa Philippine Red Cross.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MMFF 2021 winners: (from left) John Arcilla, Best Supporting Actor for Big Night; Rans Rifol, Best Supporting Actress for Kung Maupay Man It Panahon; Christian Bables, Best Actor for Big Night, and Charo Santos, Best Actress for Kung Maupay Man It Panahon.
PHOTO/S: YouTube / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results