Janno Gibbs, nag-walkout sa mediacon ng bago niyang pelikula dahil sa biro ni Giselle Sanchez

by Jojo Gabinete
Dec 28, 2021
giselle janno zoom
Hindi tinapos ni Janno Gibbs ang virtual mediacon ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo: Aussie! Aussie! dahil sa "pambubuko" ng host-moderator na si Giselle Sanchez tungkol sa asawa ni Janno na si Bing Loyzaga.
PHOTO/S: Vivamax Facebook

Apparently, hindi nagustuhan ni Janno Gibbs ang mga salitang binitiwan ni Giselle Sanchez kaya iniwanan ng singer-comedian ang digital media conference ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2 ( Aussie! Aussie: O Sige!) ngayong Martes ng hapon, December 28, 2021.

Sina Janno, Andrew E., at Dennis Padilla ang mga bida sa sequel ng kanilang blockbuster comedy movie, samantalang si Giselle ang mediacon host at moderator.

Bago nagsimula ang Question & Answer, mahigpit ang paalaala ni Giselle sa entertainment writers na ipinagbabawal ang pagtatanong sa mga artista ng mga offensive, sensitive, at personal questions.

Pero si Giselle ang nalagay sa alanganing sitwasyon sa biglang pag-alis ni Janno.

Sa unang bahagi ng mediacon, nagkaroon ng "Jojowain o Totropahin Challenge" dahil tinanong ang female cast na sina Rose Van Ginkel, Ali Forbes, at ang magkapatid na Angela Morena at Stephanie Raz kung sino kina Dennis, Andrew, at Janno ang kanilang jojowain o totropahin.

Matapos sumagot ang apat na babae, si Giselle naman ang nakatuwaan ni Janno na hamunin.

Continue reading below ↓

Aniya, “Giselle, ikaw naman ang tanungin namin, bibigyan kita [ng choices], one-night stand, boyfriend, pakakasalan?”

“My gosh, ano ba ‘yan? Papatayin ako ng mga asawa ninyo. Mga barkada ko yung mga asawa ninyo, e. Hahaha!” reaksiyon ni Giselle nang marinig nito ang hamon sa kanya ni Janno.

sanggano mediacon

Continue reading below ↓

Ang sumusunod ang eksaktong naging takbo ng pag-uusap nila...

Janno: "Sabi mo kanina, hypothetical lang...."

Giselle: "Wala. Hahahaha!"

Dennis: "Isa lang, sino ang gusto mong i-one-night stand sa aming tatlo?

Giselle: "Sa inyong tatlo, wala talaga."

Janno: "Teka muna, pakakasalan muna."

Giselle: "Kung pakakasalan, based on your histories, siyempre kay Andrew E., kasi tingnan mo naman, sila pa rin ni Mylene [misis ni Andrew]. Talagang Mylene forever."

Janno: "Boyfriend?"

Giselle: "Siguro si Dennis kasi matagal ko nang kilala si Dennis."

Janno: "So, ako na yung naiwan, ako na yung one-night stand."

Giselle: "Yung one-night stand, I cannot stand you. Hahaha! Baka sipain ako ni Bing. Malakas sumipa itong si Bing Loyzaga. I know from history. Hahaha! May sinipa na ‘yan sa recording studio. Hahahaha!"

Dennis: "Si Giselle, nanira pa ito?"

Giselle: "Hindi ako nanira. Sinabi ko lang na malakas siyang sumipa kaya ayokong mag-stand in between."

Dennis: "Sino ba ‘yon? Sino ‘yon? Sino ‘yon?"

Continue reading below ↓

Giselle: "Ayoko nga… matagal na yun. Past is past. Ano, Janno, ninerbiyos ka? Ninerbiyos ka, Janno?"

Humahalakhak si Giselle nang sinabi iyon, pero nagbago ang reaksiyon niya nang makitang iniwanan ni Janno ang Zoom presscon.

Kitang-kita rin na may pinindot si Janno sa harap ng kanyang screen bago siya nawala.

sanggano mediacon

Continue reading below ↓

Sabi ni Giselle, “Hala, Janno left the…. Joke lang, Janno. Hoy, Janno, bumalik ka. Nag-leave talaga siya? Janno, balik! Janno, balik!

“Nag-leave talaga si Janno? Nagdyo-joke lang ako. Hala, lagot tayo, patay tayo…Teka, tatawagan ko lang si Janno.”

Tumagal ng mahigit sa dalawang oras ang digital mediacon ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo: Aussie! Aussie!, pero hindi na bumalik si Janno.

Kahit sinabi ni Giselle na nagkaroon umano ng “technical difficulties,” kumbinsido ang lahat na hindi nagustuhan ni Janno ang mga sinabi ng host-comedienne.

Mag-uumpisa ang streaming ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo: Aussie! Aussie! sa Vivamax sa December 31, 2021.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi tinapos ni Janno Gibbs ang virtual mediacon ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo: Aussie! Aussie! dahil sa "pambubuko" ng host-moderator na si Giselle Sanchez tungkol sa asawa ni Janno na si Bing Loyzaga.
PHOTO/S: Vivamax Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results