Watch Now

AJ Raval at Sean de Guzman, magkasama noong Pasko; hindi na nagpa-plaster sa mga love scene nila

by Jojo Gabinete
Dec 28, 2021
aj raval sean de guzman hugas
AJ Raval on Sean de Guzman: "Yung mga secret, alam po namin yung mga secret namin sa isa’t isa. Mga problema, napag-uusapan namin. Kino-comfort po namin yung isa’t isa, pero friends lang po talaga kami.”
PHOTO/S: Viva Films

Si Sean de Guzman ang kasama ni AJ Raval noong Pasko.

Dahil dito, marami ang nagtaka dahil tila nawala sa eksena si Aljur Abrenica, na nauugnay sa anak ni Jeric Raval na dahilan para makatikim ng mga batikos ang sexy star na tinalikuran ang social media para makaiwas sa mga negatibong komento.

Sa media conference ng Hugas ngayong Martes ng gabi, December 28, 2021, si AJ ang boluntaryong nagkuwento na magkasama sila ni Sean noong Pasko.

Lahad niya, “Magkasama kami ni Sean nung Christmas. So, nag-usap kaming dalawa na gusto naman naming ma-recognize na magaling kaming umarte, hindi lang sa pagpapaseksi.

“Napag-usapan din namin ito bago kami nag-shoot ng Hugas so nag-prepare po kami talaga.

“Sa mga love scene namin, gaya ng sinabi niya, sobrang comfortable na kami sa isa’t isa. Hindi na kami nagkakahiyaan.

"So, lalong naging mas deep yung bonding namin, yung samahan namin.

“So, nung ginawa namin yung mga love scene, parang nandoon talaga yung love. Makikita niyo talaga yung love sa love scenes."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ni AJ, "Sobrang okay po namin ni Sean.

"Nag-aaway na rin po kami ngayon. Yung pag-aaway namin, parang magkapatid po kami.

"Nag-away kami sa set, may eksena na parang magkaaway po talaga kami. Nagkamali po ako sa unang take, tapos sabi niya sa akin, ‘Okay lang ‘yan. It’s your fault naman.’

“Yung pagkakasabi niya, sarcastic talaga. Napikon ako, sabi ko kay Sean, 'Bakit, superstar ka ba?’ Tapos, magbabati rin kami.

"Yung mga secret, alam po namin yung mga secret namin sa isa’t isa. Mga problema, napag-uusapan namin.

"Kino-comfort po namin yung isa’t isa, pero friends lang po talaga kami.”

SELF-LOVE IN 2022

Inulit ni AJ ang kanyang madalas sabihing hindi na siya magiging aktibo sa social media sa darating na taon dahil gusto niyang pagtuunan ng pansin ang pagmamahal sa sarili.

Saad niya, “Yung mga nangyari sa akin [ngayong 2021], gusto ko na pong iwan yun. Pero dahil sa mga nangyari nung nakaraan, may mga natutunan po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"More on sa sarili ko, self-love, improvement, lagi po akong magtatanong sa lahat ng bagay para lagi po akong may natututunan.

"Yung mga negative issue, siguro hindi ko na po papansinin.

"Pagdating po ng 2022, wala na po akong social media, phone lang," nagsalita nang tapos na deklarasyon ni AJ.

NO PLASTER NEEDED

Pinatotohanan ni Sean ang mga pahayag ni AJ dahil, ayon sa kanya, mas komportable sila ngayon sa isa’t Isa.

Dati-rati, gumagamit sina Sean at AJ ng plaster para matakpan ang mga pribadong bahagi ng kanilang katawan sa mga love scene sa mga nakaraan nilang proyekto— ang Nerisa at Taya.

Pero sa Hugas, all-out sila sa kanilang intimate scenes.

Pahayag ni Sean, “Hindi na kami naiilang talaga. Wala na talagang ilang.

"Kung magkakitaan man kami ng kung anu-anong parte ng katawan namin, wala na kaming pakialam.

"Pero maganda naman yung kinalabasan ng lahat. Hindi na po kami nagkakahiyaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagkakakitaan, oo. Pero nagkakahiyaan, hindi.

"Yung na-build naming friendship, kahit sa labas o sa likod ng kamera, sobrang solid namin ni AJ."

Ang Hugas ang third movie team-up nina AJ at Sean.

Si Roman Perez Jr. ang direktor ng action-drama-sexy movie na opening salvo ng Vivamax sa January 2022.

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval on Sean de Guzman: "Yung mga secret, alam po namin yung mga secret namin sa isa’t isa. Mga problema, napag-uusapan namin. Kino-comfort po namin yung isa’t isa, pero friends lang po talaga kami.”
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results