DILG Secretary Eduardo Año, kinumpirma na 15 ang nahawaan ni Poblacion Girl

by Jojo Gabinete
Dec 31, 2021
DILG Secretary Eduardo Ano on Poblacion girl
DILG Secretary Eduardo Año on Poblacion Girl "Ang kanyang swab ay noong December 26 so makikita natin na may paglabag at lumabas siya ng quarantine at ang masaklap dito ay positive siya."

Trending pa rin hanggang ngayong Biyernes, December 31, sa iba’t ibang social media platforms ang pangalan ni Gwyneth Anne Chua.

Ito ay dahil sa paglabas niya mula sa Berjaya Hotel sa Makati City nang hindi pa tapos ang kanyang quarantine period.

Dumating siya ng December 22, 2021 from Los Angeles.

Isang araw pa lang ang nakalipas, noong December 23, 2021, kumain siya sa isang restaurant at nagpunta sa isang bar sa Barangay Poblacion

Makalipas ang limang araw, nakumpirmang positibo siya sa COVID-19.

Kagabi, December 30, nakapanayam nina Doris Bigornia at Alvin Elchico ng Teleradyo si DILG Secretary Eduardo Año.

Sinabi ni Año na labinlima (15) agad ang bilang ng mga taong nahawahan ni Chua ng COVID-19 kaya nagsasagawa ng contract tracing ang ahensiyang pinamumunuan niya.

"Na-confirm na natin na lumabas siya ng hotel at siya ay nag-dinner sa isang restaurant at nagpunta pa ng Kampai at nakita naman sa CCTV na nandoon siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang kanyang swab ay noong December 26 so makikita nating may paglabag at lumabas siya ng quarantine at ang masaklap dito ay positive siya.

"Ang problema, yung mga nakasama niya sa dinner at sa bar ay mga nagpa-positive na rin, nasa 15 na yung nagpa-positive."

Ang Kampai ay isang bar sa Poblacion, Makati.

May mahigpit ding paalaala si Año sa lahat ng mga nakahalubilo ni Chua na binansagang “Poblacion Girl.”

"Hindi natin kasi alam kung ito ay Omicron na. Pero parang nakita natin, ang bilis ng hawaan kaya pinag-iingat natin ang mga kababayan natin.

"Kaya ang importante, yung mga taong nandiyan sa lugar na ‘yan noong December 23 ay mag-self-isolate, magbigay ng symptoms kung meron sila, o magpa-swab sila para sa kanilang kabutihan."

Ang Omicron ang isang uri ng COVID-19 variant na problema ngayon ng buong mundo dahil mabilis makahawa.

Kaya matindi ang pagkapoot kay Chua ng netizens na nabalitaan ang kanyang pagsuway sa safety protocols.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AÑO: POBLACION GIRL VIOLATED QUARANTINE PROTOCOLS

Tiniyak ni Año na mananagot sa batas si Chua at ang management ng Berjaya Hotel dahil sa paglabag sa quarantine protocols.

"Depende sa imbestigasyon pero kailangan, managot dito, number one, itong si Miss Chua kasi nag-violate siya ng kanyang quarantine protocols at ‘yan ay nasa batas natin—yung Republic Act 11332 at saka yung violation din ng IATF Omnibus Guidelines," paliwanag ni Año.

Ang Republic Act 11332 o Law on Reporting of Communicable Diseases ay ang batas na may pangkalahatang layunin na "protektahan ang mga tao mula sa mga banta sa kalusugan ng publiko sa pamamagitan ng mahusay at epektibong pagsubaybay sa mga sakit na paulit-ulit na umuusbong at nakahahawa."

Patuloy ng DILG Secretary: "May liability din ang management ng Berjaya Hotel kasi may responsibility sila diyan—siguraduhin na dapat yung mga naka-quarantine diyan, hindi talaga makakalabas. Kailangan matapos yung quarantine period and until lumabas yung result ng swab test."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

POBLACION GIRL, MARAMING "CONNECTIONS"?

Nang tanungin tungkol sa pahayag ni Tourism Secretary Bernadette Puyat na ipinagmamalaki pa ni Chua ang pagkakaroon ng maraming koneksiyon, idiniin ni Año na kailangang muling i-check ang sistema ng mga quarantine hotel.

"Marami tayong narinig na ganyan kaya inatasan ko yung Philippine National Police na mag-conduct ng surprise inspections at random visits sa quarantine hotels natin.

"At kung merong nagpapabaya diyan, e, i-recommend natin, tanggalan ng lisensya at business permits ang mga hotel na ‘yan.

"It’s actually putting the lives of our people in danger.

"Hindi po puwede ‘yan, tatanggap-tanggap ka ng accreditation, kumikita ka diyan, pero yun pala, hindi mo sinusunod talaga yung alituntunin ng quarantine protocols kaya may pananagutan ang Berjaya Hotel."

Sa kaso ni Chua, kinuwestiyon ni Año kung paano nangyaring nag-release ng certification ang quarantine hotel na hindi ito lumabas.

"In fact, nagbigay sila ng kanilang certification. Sinasabi nila na hindi raw lumabas ng hotel si Miss Chua at nandiyan lang siya all along, pero imposible dahil nakita siya sa CCTV na nasa labas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nag-admit na rin si Miss Chua na talagang lumabas siya.

"Ang tanong na lang, pinayagan ba siyang lumabas? Meron bang personal diyan na binayaran para palabasin siya? O talagang tumakas si Miss Chua on her own?"

Masusi ang imbestigasyon sa kaso dahil pinuntahan ng mga imbestigador ang lahat ng mga lugar na sinadya ni Chua nang lumabas ito mula sa Berjaya Hotel noong December 23 para kumain sa isang restaurant at makipag-party sa mga kaibigan—na imposibleng hindi kinakabahan dahil nagkaroon sila ng close contact sa isa’t isa. “

ALSO READ
, "widget":"Hot Stories"}

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DILG Secretary Eduardo Año on Poblacion Girl "Ang kanyang swab ay noong December 26 so makikita natin na may paglabag at lumabas siya ng quarantine at ang masaklap dito ay positive siya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results