Dennis Padilla, "one step at a time" ang pag-build up ng relasyon sa anak na si Julia Barretto

by Jojo Gabinete
Dec 31, 2021
Dennis Padilla and daughter Julia Barretto
Dennis Padilla on maintaining a smooth-sailing relationship with daughter Julia Barretto: "Kailangan lang talaga, open yung communication para lahat ng mga nararamdaman mo, nasasabi mo agad, hindi napupuno so ganoon din sa side nila."
PHOTO/S: @dennisastig Instagram

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na nagkaroon noon ng hindi pagkakaunawaan si Dennis Padilla, 59, at ang kanyang anak na si Julia Barretto, 24.

Kaya ang relasyon nila sa kasalukuyan ang isa sa mga itinanong sa komedyante sa naganap na virtual mediacon ng bagong pelikula na pinagbibidahan nila nina Janno Gibbs at Andrew E., ang Sanggano, Sanggago’t, Sanggwapo: Aussie!Aussie! O Sige.

Ikinuwento ni Dennis na nag-uusap na sila ni Julia at kasama sa plano ang pagkikita nila nang personal pagkatapos ng pagpasok ng Bagong Taon.

"Tawagan lang, video call. Batian lang. Siguro kami nina Julia, after New Year na kami magdi-dinner kasi she’s so busy rin and may mga business pa sila on the side.

"E, busy rin ako dahil I’m campaigning, lalo nitong November, December, so sabi ko after the Christmas season, January.

"Siyempre, gusto ko rin, bago ko sila i-meet, mag-swab test muna ako tapos mag-i-isolate muna ako ng one day bago ko sila puntahan para safe din sila," ang sabi ni Dennis na natutuwa dahil may komunikasyon na uli sila ng kanyang mga anak.

Continue reading below ↓

Kumusta ang mga usapan nilang mag-ama?

Sagot ni Dennis, "Okay naman, although para kaming nagsisimula ulit.

"Galing kami sa misunderstanding so ngayon nagsisimula pa lang kami, one [step] at a time, building it up again," ang nagpakatotoo na pahayag ni Dennis.

Naniniwala siya na malaking bagay ang komunikasyon para magkaintindihan ang bawat isa.

Sabi niya, "Kailangan lang talaga, open yung communication para lahat ng mga nararamdaman mo, nasasabi mo agad, hindi napupuno so ganoon din sa side nila.

"Kailangan lang yung communication ninyo tuluy-tuloy para meron kayong magandang pag-uusapan, may magandang pupuntahan yung topic ninyo."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Padilla on maintaining a smooth-sailing relationship with daughter Julia Barretto: "Kailangan lang talaga, open yung communication para lahat ng mga nararamdaman mo, nasasabi mo agad, hindi napupuno so ganoon din sa side nila."
PHOTO/S: @dennisastig Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results