Bar na pinuntahan ni Poblacion Girl, nagsara matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang customers at staff

by Jojo Gabinete
Dec 31, 2021
Kinumpirma ng Department of Tourism na lumabag si Gwyneth Chua sa quarantine protocols dahil umalis siya sa tinutuluyang Berjaya Hotel sa Makati City noong December 23 para kumain sa labas at makipag-party sa kanyang mga kaibigan sa isang bar sa Poblacion, Makati City.
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

Nakahanda na ang reklamong isasampa ng Bureau of Quarantine at Department of Health laban kay Gwyneth Anne Chua, na tinaguriang "Poblacion Girl."

Kinumpirma ng Department of Tourism na lumabag si Chua sa quarantine protocols dahil umalis siya sa tinutuluyang Berjaya Hotel sa Makati City noong December 23 para kumain sa labas at makipag-party sa kanyang mga kaibigan sa isang bar sa Poblacion, Makati City.

Noong December 27, 2021, positibo sa COVID-19 ang resulta ng swab test kay Chua.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, malinaw ang paglabag na ginawa ni Chua sa “well-established IATF protocols” kaya maaari siyang sampahan ng criminal at administrative cases.

Malaking perhuwisyo ang ginawa ni Chua sa mga business establishment na pinuntahan niya at napilitang magsara nang makumpirma na nagpositibo siya sa COVID-19.

Sa panayam kay DILG Secretary Eduardo Año sa Teleradyo kagabi, December 30, sinabi niyang labinlimang tao ang agad na nahawahan ni Chua kaya iniimbestigahan pa nila kung Omicron variant ng COVID-19 ang tumama sa pasaway na super spreader.

Continue reading below ↓

Pinangalanan ni Año ang restaurant at bar na pinuntahan ni Chua noong December 23—ang Mijo Comfort Food at ang Kampai Bar.

Naglabas ng opisyal na pahayag ang management ng mga nasabing establisyemento.

Pahayag ng Mijo management ngayong Biyernes ng hapon, December 31, 2021:

“It has come to our attention that a person of interest tested positive and came into contact last December 23, 2021.

“We have done the necessary steps to monitor our staff for symptoms and facilitated COVID testing. Fortunately, our fully-vaccinated staff have all tested negative.

“Rest assured that the restaurant has been sanitized. More importantly, we are making sure that all who may have come in contact with the person of interest be informed as soon as possible.”

Higit na kalunus-lunos ang nangyari sa mga empleyado at kostumer ng Kampai dahil sa mga nahawaan ni Chua.

Dahil dito, nagsara ang naturang bar at nawalan ng pagkakakitaan ang mga kaawa-awang staff ng bar.

Continue reading below ↓

Hinihiling ng Kampai management mula sa awtoridad ang mabilis na imbestigasyon tungkol sa naganap na paglabag sa quarantine protocols.

Ito ang bahagi ng opisyal na pahayag ng Kampai management na naperhuwisyo nang husto:

“It is unfortunate that this transpired in our premises, and has resulted in compromising the health and safety of our customers and staff. A number of our patrons and staff contracted the virus and are now in quarantine because of the situation.

“Before she was allowed entry, she showed proof of vaccination, filled out a health declaration form, and had her temperature taken. She was allowed to come in since the group she was with had a reservation with us.

"We had absolutely no idea that she came from abroad and was supposed to be under strict isolation in an approved quarantine facility.

"We are disappointed and share the same sentiments of most people about the decisions and actions taken by this individual, who has now compromised the health and well-being of our customers and staff.”

Continue reading below ↓

Kasabay ng paglabas ng mga opisyal na pahayag ng Mijo at Kampai ang pagkalat sa social media ng larawan ni Chua at ng kanyang mga kasamang kuha sa establishment na kanilang pinuntahan.

Sa labing-anim na mga taong kasama ni Chua sa litrato, walo ang may marka ng X na indikasyong nagkaroon sila ng COVID-19.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinumpirma ng Department of Tourism na lumabag si Gwyneth Chua sa quarantine protocols dahil umalis siya sa tinutuluyang Berjaya Hotel sa Makati City noong December 23 para kumain sa labas at makipag-party sa kanyang mga kaibigan sa isang bar sa Poblacion, Makati City.
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results