Lalaking pinili ni TV star hindi aprubado ng malalapit na kaibigan

by Jojo Gabinete
Jan 2, 2022
In love si TV star, pero hindi ang BFFs dahil hindi sila boto sa lalaki.
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

Dismayado sa TV STAR ang kanyang mga kaibigan dahil pinili niyang makipagrelasyon sa isang lalake na walang direksiyon ang buhay at hindi siya mabibigyan ng magandang kinabukasan.

Nagulat ng mga nagmamalasakit na kaibigan nang malaman nila na malalim o seryoso na ang relasyon ng TV STAR sa boyfriend nito.

Nakamarka sa kanilang mga isip na mismong ang TV STAR ang nagkukuwento sa kanila ng mga kasiraan ng lalake kaya hinding-hindi raw niya papatulan.

Dahil sa kagustuhan na magkaroon ng matinong relasyon ang TV STAR, ipinakilala siya ng mga kaibigan niya sa isang lalake na disente, may magandang trabaho, at bagay na bagay ang personalidad sa kanyang estado sa entertainment industry.

Pero lumitaw ang katotohanang nagpapanggap lamang ang TV STAR dahil ang lalake na pinipintasan niya at may masalimuot na buhay ang kanyang tunay na minamahal.

Walang nagawa ang mga kaibigan sa katigasan ng ulo ng TV STAR na ang tibok ng puso ang pinairal.

Continue reading below ↓

Ipinagdarasal na lamang ng mga nalulungkot na kaibigan na tumagal ang pagsasama ng dalawa at maging responsable na partner ang lalake dahil mahihirapan na ang TV STAR na talikuran ang pinasok na relasyon.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Read More Stories About
blind item, showbiz tita
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In love si TV star, pero hindi ang BFFs dahil hindi sila boto sa lalaki.
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results