Carlos Laurel, isa sa mga nakasama ni Poblacion Girl sa bar, lumantad na

Carlos Laurel, nagnegatibo sa COVID-19 matapos makahalubilo si Poblacion Girl.
by Jojo Gabinete
Jan 3, 2022
carlos laurel statement
Kabilang ang modelo at aspiring politician na si Carlos Laurel sa mga nakahalubilo ni Poblacion Girl sa isang bar noong December 23, 2021. Naglabas ng opisyal na pahayag si Carlos upang upang ipaalam na negatibo siya sa COVID-19 at magpasalamat sa mga nag-alala sa kanyang kalusugan.
PHOTO/S: @carlos_laurel on Instagram

Negatibo sa COVID-19 si Carlos Laurel, ang 29-year-son ng former It Girl at top model na si Crispy Santamaria-Laurel at ng businessman na si Arsenic Laurel.

Si Carlos, na isa ring modelo, ay pinsan ng singer-actress na si Denise Laurel.

Kandidato siya bilang konsehal ng bayan ng Tanauan, Batangas para sa halalan sa May 9, 2022.

Kabilang si Carlos sa mga nakahalubilo ni Gwyneth Anne Chua sa isang bar sa Poblacion, Makati City, noong December 23, 2021.

Magkatabi sina Carlos at Chua sa group picture na kuha sa bar at kumalat sa social media dahil, diumano, nagpositibo rin sa COVID-19 ang ilan sa mga kasama sa larawan na nahawahan ni Chua na kilala ngayon sa bansag na Poblacion Girl.

Nitong Linggo ng gabi, January 2, 2022, naglabas ng opisyal na pahayag si Carlos tungkol sa pinagpipistahang isyu na kinasasangkutan dahil marami ang nag-alala para sa kanyang kalusugan.

Ibinahagi rin niya ang kopya ng resulta ng swab test na nagpapatunay na negatibo siya sa COVID-19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Carlos, “Nais ko pong ipaabot ang aking lubos na pasasalamat para sa lahat ng aking mga kaibigan na nag-alala, nag-alok ng tulong at nagpakita ng suporta sa aking kalagayan nitong mga nakaraang araw.

“Ako po ay nag-isolate kaagad noong nalaman ko na nagkaroon ako ng exposure sa isang tao na nag-positive para sa coronavirus. Makalipas ang pitong (7) araw mula sa posibleng exposure date ay nagpa-test agad ako (RT-PCR) at negative ang naging resulta nito.

“Dahil dito, lubos po ang aking pasasalamat sa ating Poong Maykapal at sa kasiyahan na makikita at makakasama kong muli ang ating mga kababayan sa Lungsod ng Tanauan.

“Aking laging ipinapa-alala ang kahalagahan at ang pagsunod ko sa minimum public health standards at agarang pagbabakuna na siyang nagbigay ng dagdag na proteksyon sa akin.

“Muli, ang inyo pong panalangin, pag-aalala at malasakit ay aking taos-pusong pinahahalagahan. Ramdam ko po ang inyong pagmamahal at buong tiwala sa akin. Isang ligtas at mabiyayang Bagong Taon sa ating lahat!!!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa mga nakahalubilo ni Poblacion Girl noong December 23, 2021, si Carlos ang kauna-unahang lumantad at nagpasalamat sa mga taong nagpakita at nagparating sa kanya ng mga mensahe ng pagmamalasakit.

Hindi pa nagsasalita o humihingi ng paumanhin si Poblacion Girl sa lahat ng mga naperhuwisyo ng kanyang paglabag sa quarantine protocols nang lumabas siya lumabas mula sa Berjaya Hotel para mag-party.

Hanggang ngayon, trending pa rin siya sa mga social media platform.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año sa panayam sa kanya sa Teleradyo na paglabag sa Republic Act 11332, ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Concern Act of 2018, ang kasong isasampa laban kay Chua na nagpositibo sa COVID-19 at may labinlimang katao na nahawahan nang mag-party siya sa Poblacion.

Multang P20,000 hanggang P50,000 o isa hanggang anim na buwan na pagkakakulong o parehas ang parusa sa mga mapapatunayang lumabag sa RA 11332.

Para sa ilang netizens, mababaw ang parusa dahil sa malaking perhuwisyong ginawa ni Chua kaya sila na mismo ang naglagay ng batas sa kanilang mga kamay sa pamamagitan ng mga masasakit at mahirap masikmurang mga salita na pinakakawalan nila sa social media laban kay Poblacion Girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang ang modelo at aspiring politician na si Carlos Laurel sa mga nakahalubilo ni Poblacion Girl sa isang bar noong December 23, 2021. Naglabas ng opisyal na pahayag si Carlos upang upang ipaalam na negatibo siya sa COVID-19 at magpasalamat sa mga nag-alala sa kanyang kalusugan.
PHOTO/S: @carlos_laurel on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results