Pusang agaw-eksena sa live telecast ng 24 Oras, certified "Kapusa"

by Jojo Gabinete
Jan 3, 2022
pusa sa 24 oras
Viral ngayon ang pusang dumaan sa studio ng GMA Network habang nagre-report si Mel Tiangco sa 24 Oras noong Biyernes, December 31, 2021.
PHOTO/S: Screen grab from GMA Network

Whitey at hindi Cat Tibayan o Mike Enricat ang pangalan ng pusang nahagip ng camera na rumarampa sa studio ng GMA-7 habang naghahatid ng balita si Mel Tiangco sa live broadcast ng 24 Oras noong December 31, 2021.

Nagbigay ng aliw si Whitey sa televiewers na may matatalas na mata at mabilis na napansin ang mabilis na pagrampa niya sa studio ng 24 Oras.

Nang matapos ang paghahatid nina Mel at Vicky Morales ng mga balita, saka lamang nila nalaman ang eksenang ginawa ni Whitey.

Legitimate na "Kapusa" si Whitey dahil ang Kapuso Network compound ang kanyang birthplace.

Nanggaling sa GMA Network Inc. employees ang impormasyong isinilang si Whitey nang magsimula ang lockdown noong March 2021 dahil sa coronavirus pandemic.

Isa lamang si Whitey sa maraming pusa na ginawang tahanan ang GMA compound dahil nagustuhan nila ang mabuting pakikitungo ng Kapuso employees na nag-aalaga sa kanila at regular na nagbibigay ng mga cat food kaya walang problema sa pagkain ang mga "Kapusa."

Continue reading below ↓

Pero sa dami ng mga pusa sa GMA-7 compound, bukod-tanging si Whitey ang eksenadora dahil siya ang madalas na pumapasok sa studio ng GMA News.

cat in 24 Oras studio

Walang inferiority complex si Whitey na parang totoong tao ang pakiramdam dahil tumatambay siya sa dining area, nakikiupo at nakikisalamuha habang kumakain ang mga empleyado kaya nalilibre na rin ang kanyang pagkain.

Continue reading below ↓

Kapag hindi siya napapansin ng mga empleyado na kumakain, mismong si Whitey ang nangangalabit sa mga tao na nagugulat sa kanyang pangungulit.

At dahil maipagmamalaki niyang isinilang siya sa GMA-7 compound, parang may star complex na rin si Whitey.

Tila may ilusyon ang pusa na TV personality rin ito kaya may karapatan siyang mapanood sa telebisyon na nangyari nga sa live broadcast ng 24 Oras noong huling Biyernes ng 2021.

Nagtagumpay si Whitey sa kanyang ginawa dahil marami na ang likes at comments sa video clip ng surprise appearance niya na pinag-uusapan at malapit nang maging viral.

Continue reading below ↓

Kinagigiliwan si Whitey ng mga empleyado dahil sa kanyang attitude at pagiging malambing.

Yaman din lamang na ang Kapuso Network ang tahanan ng mga artista na may mga title na Asia’s Acting Gem, Asia’s Multimedia Star, Asia’s Queen of Creative Collaborations, at Asia’s Limitless Star, puwede nang bansagang "Asia’s Amazing Pussy" ang pusa na nag-aastang tao at hindi maipagkakailang tunay na homegrown Kapuso.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Viral ngayon ang pusang dumaan sa studio ng GMA Network habang nagre-report si Mel Tiangco sa 24 Oras noong Biyernes, December 31, 2021.
PHOTO/S: Screen grab from GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results