Watch Now

Mga magulang ni Poblacion Girl, kasama sa sasampahan ng kaso ng CIDG; Carlos Laurel, di kilala si Poblacion Girl

by Jojo Gabinete
Jan 4, 2022
berjaya hotel carlos laurel
Kasama rin sa sasampahan ng kaso ng CIDG ang mga magulang ni Poblacion Girl at ang Berjaya Hotel dahil sa paglabag ng mga ito sa R.A. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern. Samantala, nilinaw naman ni Carlos Laurel (kanan) na hindi niya personal na kilala si Poblacion Girl bagamat nakasama niya ito sa dinner ng kanilang pamilya.
PHOTO/S: Trip Advisor / @carlos_laurel on Instagram

And the plot thickens.

Hindi lamang ang binansagang Poblacion Girl na si Gwyneth Anne Chua ang sasampahan ng kaso ng Central Investigation and Detection Group (CIDG) dahil sa paglabag sa R.A. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern.

Inihahanda na rin ang mga reklamo laban sa kanyang mga magulang at sa mga empleyado ng Berjaya Hotel sa Makati City.

Napatunayan ng CIDG sa kanilang imbestigasyon ang mga sumusunod na katotohanan tungkol sa paglabag na ginawa ni Chua sa quarantine protocols na mahigpit na ipinatutupad sa mga taong nanggaling sa iba’t ibang bansa at dumarating sa Pilipinas:

Nang bumalik si Chua sa bansa mula sa Los Angeles, California noong December 22, 2021, inihatid siya sa IATF-accredited quarantine facility, ang Berjaya Hotel, at nag-check in siya nang ganap na 11:23 p.m.

Nang gabi ring iyon, umalis si Chua sa Berjaya Hotel dahil sinundo siya ng kanyang ama, gamit ang isang SUV vehicle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pamamagitan ng mga CCTV footage at ng mga testimonya ng mga saksi, nakumpirma ng mga imbestigador ang pagpunta ni Chua sa isang restaurant sa Barangay Poblacion, Makati City, noong Disyembre 23, 2021 ng gabi.

Noong December 25, 2021, 9 p.m., inihatid si Chua ng kanyang ina nang bumalik siya sa Berjaya Hotel.

Ang partisipasyon ng mga magulang ni Chua sa pag-alis at pagbalik niya sa Berjaya Hotel ang pangunahing dahilan kaya kasama sila sa mga sasampahan ng CIDG ng kaso.

Dawit sa kaso ang mga tauhan ng Berjaya Hotel dahil hinayaan nila si Chua na makalabas mula sa quarantine facility.

Hindi lamang ang paglabag ni Chua sa quarantine protocols ang nagpalala sa problema niya sa batas dahil nagpositibo siya sa COVID-19 nang lumabas noong December 27 ang resulta ng swab test sa kanya.

Ayon sa CIDG, labing-isa (11) ang bilang ng mga taong nahawahan ni Chua ng COVID-19 dahil sa pagpunta niya sa restaurant at pagdalo sa party na naganap sa isang bar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumalat ang larawan ni Chua na kuha sa restaurant na pinuntahan niya sa Poblacion noong December 23, 2021.

CARLOS LAUREL CLARIFIES HE DOESN'T KNOW POBLACION GIRL

Kasama sa viral photo ang model na si Carlos Laurel na kandidato na konsehal sa bayan nila sa Tanauan, Batangas para sa halalan sa May 2022.

Mula sa prominenteng pamilya si Carlos.

Pinsan niya ang singer-actress na si Denise Laurel; apo siya ng well-known Filipina pianist na si Ingrid Santamaria; at ang former top model na si Crispy Santamaria at ang businessman na si Arsenic Laurel ang kanyang mga magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang mag-viral ang litrato ng grupo ni Carlos na kasama si Chua, naging biktima rin siya ng mga batikos dahil sa maling akala na magkaibigan sila.

Lumitaw ang katotohanang hindi personal na magkakilala ang dalawa dahil sa paglilinaw na inilabas ni Carlos sa official Facebook page nito.

Pahayag ni Carlos: “Ms. Gwyneth Chua tested positive on Dec. 27, 2021 and I learned about the result the same day when my cousin messaged our group four (4) days after our dinner.

“I did NOT know she had skipped quarantine nor did I have anything to do with the incident. My immediate response was to antigen myself and my family then isolate to monitor for possible symptoms. I then proceeded to inform those I came in close contact with about the current situation.

“Gwyneth is the girlfriend of a friend of my younger cousins who passed by at the end of dinner, Gwyneth was NOT invited to dinner by me or my relatives.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I do not condone breaching of quarantine protocols, I am fully compliant and in contact with the CIDG and their current investigation on the incident. As to not interfere with the said investigation, I was advised by them not to further comment on the situation until its conclusion.

“I hope this has shed some transparency on the false accusations of my involvement in the breaching of quarantine protocols. Thank you again. Stay safe.”

May kinalaman ang paglilinaw ni Carlos sa mga katanungan sa kanya ng netizens na mahigpit nakikipagkumpitensiya sa CIDG sa paggawa ng kanilang sariling imbestigasyon dahil sa sobrang pagkamuhi nila kay Chua.

Maluwag nang nakakahinga ngayon si Laurel dahil negatibo ang resulta ng COVID-19 swab test sa kanya na ibinahagi niya sa publiko noong Linggo, Enero 2, 2022.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasama rin sa sasampahan ng kaso ng CIDG ang mga magulang ni Poblacion Girl at ang Berjaya Hotel dahil sa paglabag ng mga ito sa R.A. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern. Samantala, nilinaw naman ni Carlos Laurel (kanan) na hindi niya personal na kilala si Poblacion Girl bagamat nakasama niya ito sa dinner ng kanilang pamilya.
PHOTO/S: Trip Advisor / @carlos_laurel on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results