Jo Berry, muntik nang di matuloy sa Little Princess dahil sa mabigat na pinagdaraanan

by Jojo Gabinete
Jan 5, 2022
jo berry little princess
Jo Berry on what she learned from her character Princess: "Natutunan ko sa kanyang mas maging malakas at ipagpatuloy yung buhay. Lahat ng challenges na dumarating sa atin, dumarating ‘yan dahil kaya nating harapin, kaya nating solusyunan. So, kahit masakit yung pinagdaraanan, kailangan nating kayanin kasi nandito pa tayo sa mundong ito."
PHOTO/S: @thejoberry on Instagram

Hindi itinanggi ng isang production executive ang balitang muntik nang hindi matuloy ang taping ng Little Princess dahil isinaalang-alang nila ang emosyon ni Jo Berry.

Noong October 2021 kasi ay magkakasunod na namatay ang kanyang lolo, ama, at kapatid.

Dinamdam nang husto ni Jo ang pagkawala ng kanyang mga mahal sa buhay. Pero sa kabila ng malulungkot na karanasan, nagdesisyon siyang ituloy ang partisipasyon sa afternoon drama series ng GMA-7 na pinagbibidahan niya.

“Naging idol ko nga po si Princess,” ang sabi ni Jo tungkol sa karakter na ginagampanan niya sa Little Princess sa virtual media conference na naganap ngayong Miyerkules ng hapon, January 5, 2022.

“The whole time po kasi bago ako pumasok ng lock-in taping, may mabigat akong pinagdaraanan.

“So, nung nandoon ako, si Princess ang naging takas [escape] ko for awhile. Alam ko na kailangan ko muna siyang gampanan.

"And, at the same time, yung mga hugot ko nung time na yun, nagamit ko kay Princess.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Natutunan ko sa kanyang mas maging malakas at ipagpatuloy yung buhay. Lahat ng challenges na dumarating sa atin, dumarating ‘yan dahil kaya nating harapin, kaya nating solusyunan.

"So, kahit masakit yung pinagdaraanan, kailangan nating kayanin kasi nandito pa tayo sa mundong ito.

"And yun lang naman ang purpose natin. Si Princess po yung naging purpose ko para ipagpatuloy pa muna.

“Hindi ako nabigyan ng chance na mag-pause for awhile dahil sa mga nangyari kasi nakita ko na kailangan kong maging si Princess. Pinalakas niya po yung loob," makahulugang pahayag ni Jo tungkol sa pag-uugnay nito sa kanyang karakter sa Little Princess at sa mga pagsubok na naranasan niya noong nakaraang taon.

Hindi nakalimutan ni Jo na pasalamatan ang lahat ng mga nakatrabaho sa Little Princess dahil sa suportang ibinigay sa kanya sa panahon ng pagluluksa niya.

Aniya, “More than 100 percent po [na suporta]. Lahat ng pag-a-adjust, ginawa nila para sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi nila ipina-feel sa akin na malayo ako sa family ko nung time na yun. Nandoon sila.

"So, nagawa ko din lang naman yung pag-portray kay Princess kasi sila yung mga kasama ko.

"Sobrang big factor na itong team ng Little Princess ang nakasama ko sa isa sa pinakamasalimuot na parte ng buhay ko. Sobrang thankful po ako sa kanila.”

Mapapanood ang Little Princess simula sa darating na Lunes, January 10, 2022.

HOT STORIES

Use these Udemy coupons when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jo Berry on what she learned from her character Princess: "Natutunan ko sa kanyang mas maging malakas at ipagpatuloy yung buhay. Lahat ng challenges na dumarating sa atin, dumarating ‘yan dahil kaya nating harapin, kaya nating solusyunan. So, kahit masakit yung pinagdaraanan, kailangan nating kayanin kasi nandito pa tayo sa mundong ito."
PHOTO/S: @thejoberry on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results