Watch Now

Jenine Desiderio dating mapagpatol sa bashers, deadma na ngayon

by Jojo Gabinete
Jan 6, 2022
jenine desiderio instagram
Jenine Desiderio on bashers: "I realized and learned one thing, people will always have their own opinion of the situation, kahit mag-explain ka pa. Kahit na i-explain mo nang 100 times yung situation mo na tama ka, sa isip nila nahusgahan ka na nila at choice nila yun."
PHOTO/S: @j9desire on Instagram

May special appearance sa digital media conference ng Little Princess kahapon, January 5, 2022 ang anak nina Janella Salvador at Markus Paterson na si Jude.

Ito ay dahil cast member ng upcoming afternoon drama series ng GMA-7 ang lola ni Jude, ang singer-actress na si Jenine Desiderio.

Magkasama si Jenine at ang apo nito kaya ipinakita ng singer, on cam, si Jude nang kumustahin ng isang entertainment editor ang kanyang pagiging lola.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa si Jenine sa mga kontrobersiyal noong celebrity mother dahil sa mga isyu tungkol sa relasyon nila ni Janella.

Naranasan ni Jenine na maging biktima ng bashing ng fans ni Janella, lalo na noong si Elmo Magalona pa ang karelasyon ng kanyang anak.

Nang tanungin tungkol sa mga "bashing experience" niya, inamin ni Jenine na guilty siya noon sa pagpatol sa bashers.

Pahayag niya, “Before, I was guilty of making patol. I felt there was a need to explain my side when something wrong is being said about you.

“Mali yun, e, kailangang mong itama.

"But I realized and learned one thing, people will always have their own opinion of the situation, kahit mag-explain ka pa.

“Kahit na i-explain mo nang 100 times yung situation mo na tama ka, sa isip nila nahusgahan ka na nila at choice nila yun.

“So, like they said, to those who understand, no explanation is needed. And to those who do not understand, no explanation is enough."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy niya, "So, having said that, after that, wala na.

“Ngayon, deadma na lang. Think what you want, see as you want. As long as it doesn’t kill me, it’s your life, it’s my life.

“Basta yung social media ko, huwag kayong sosobra kasi account ko yun. Gusto niyo sa account niyo, dun kayo mag-post.

"Yun lang ako, yun lang ang take ko sa mga bashing na ‘yan. I ignore them now."

Hindi maipagkakailang malaki na ang ipinagbago ni Jenine mula nang masaksihan namin nang personal ang pagkompronta niya sa isang female host na asawa na ngayon ng isang dating sikat na basketball player.

THROWBACK THURSDAY: Nangyari ang insidente noong early 2000 sa isang event ng FHM na naganap sa atrium ng Robinson’s Galleria.

Isa si Jenine sa mga invited performer, pero hindi niya nagustuhan ang para sa kanya'y nakakainsultong pagpapakilala ng female emcee ng programa.

Pagkatapos kantahin ang kanyang hit song noon na "Hindi Ako Si Darna," ipinatawag ni Jenine sa backstage ang female emcee para kumprontahin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinilit ng female emcee na magpaliwanag, pero hindi na ito nakapagsalita nang abutan siya ni Jenine ng twenty-five centavo coin.

Kasunod nito ay nag-dialogue ang singer ng “Ayan ang beinte-singko, bumili ka ng manners!” sabay talikod.

Hinding-hindi namin makalilimutan ang insidente dahil sa amin hiningi ni Jenine ang beinte-singko na ibinigay niya para pambili ng manners ng natulalang female host.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jenine Desiderio on bashers: "I realized and learned one thing, people will always have their own opinion of the situation, kahit mag-explain ka pa. Kahit na i-explain mo nang 100 times yung situation mo na tama ka, sa isip nila nahusgahan ka na nila at choice nila yun."
PHOTO/S: @j9desire on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results