Watch Now

Berjaya Hotel, ipinuprotesta ang pagpapasara sa kanila ng Makati City Hall

by Jojo Gabinete
Jan 6, 2022
berjaya hotel closure
Berjaya Hotel: "If we close down the hotel immediately, where do we send our presenty quarantine guests? We have 18 guests who have tested positive and who have yet to be pulled out by the Bureau of Quarantine and 100 who are in the middle of their quarantine."

Ipinoprotesta ng management ng Berjaya Hotel ang pagpapasara ng Makati City Hall sa kanilang hotel ngayong Huwebes, January 6, bunsod ng suspension order na inilabas ng Department of Tourism (DOT).

"Without legal basis" ang reaksiyon ng Berjaya Hotel management sa opisyal na pahayag nila tungkol sa aksyon na ginawa ng Makati City Hall.

Bahagi ng kanilang statement: “For one, the DOT order is not yet final as the hotel will appeal it within the 15-day period it is given. Meanwhile, the suspension is not in effect.

“Secondly, there is no law that penalizes a hotel for not reporting a guest who jumps quarantine. There is nothing in RA (Republic Act) 13322 that is applicable to the hotel.

“Thirdly, we must be accorded due process and be allowed to explain before any penalty is imposed. We have not been given our day in court by the Makati City Hall.

“On the operations level, if we close down the hotel immediately, where do we send our present quarantine guests? We have 18 guests who have tested positive and who have yet to be pulled out by the Bureau of Quarantine and 100 who are in the middle of their quarantine.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IATF-accredited quarantine facility ang Berjaya Hotel.

Nasangkot ito sa malaking kontrobersiya at nahaharap sa kaso dahil pinayagan ng kanilang mga tauhan na makalabas si Gwyneth Anne Chua, na binansagag Poblacion Girl, kahit hindi pa nito natatapos ang mandatory quarantine period buhat nang dumating siya sa Pilipinas mula sa Amerika noong December 22, 2021.

Inamin ni Chua ang paglabas nito sa hotel at pagpunta sa mga restaurant at bar sa Barangay Poblacion noong December 23, 2021, at marami ang nahawa sa kanya ng COVID-19.

Sa panayam naman ng GMA News kay Carlos Laurel, sinabi nitong pinag-iisipan ng kanyang pamilya kung magsasampa sila ng kaso laban kay Chua.

Kabilang si Laurel sa mga nakahalubilo ni Chua noong December 23. Mapalad siya dahil negatibo ang resulta ng COVID-19 swab test sa kanya pero tinamaan ng virus ang mga pinsan niya na nagkaroon ng close contact kay Poblacion Girl.

Dapat na isali sa imbestigasyon ang isang bar sa Taguig City dahil nagpositibo sa COVID-19 ang kanilang mga parokyano noong December 25, 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang kaibigan naming negatibo ang resulta ng swab test ang kasalukuyang naka-quarantine dahil nagpositibo sa COVID-19 ang mga kasama niya sa naturang bar.

"Paranaoid" ang pakiramdam ng aming kaibigan dahil sa usap-usapan na, diumano, namataan din si Poblacion Girl sa Taguig City bar. Pero kailangan ng masusing imbestigasyon para hindi maging biktima ng fake news ang awtoridad.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Berjaya Hotel: "If we close down the hotel immediately, where do we send our presenty quarantine guests? We have 18 guests who have tested positive and who have yet to be pulled out by the Bureau of Quarantine and 100 who are in the middle of their quarantine."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results