Ayanna Misola, tanggap ng pamilya ang paghuhubad niya sa pelikula

by Jojo Gabinete
Jan 8, 2022
Ayanna Misola
Ayanna Misola: "Naniniwala naman po sila na stepping stone ko lang po yung mga ginagawa ko ngayon at darating ang araw na hindi ko na kailangang maghubad sa pelikula."
PHOTO/S: @ayannamisola Instagram

Ang kanyang launching movie na Kinsenas, Katapusan ang itinuturing ni Ayanna Misola na pinakamagandang regalo para sa kanyang 20th birthday sa January 13, 2022.

Ipinakilala si Ayanna sa Pornstar 2; pangalawa niyang pelikula ang Siklo; at ganap na bida na siya sa Kinsenas, Katapusan kaya nabibigla siya sa mabilis na pangyayari sa acting career niya.

"I feel so blessed po dahil baguhan lang po ako tapos may launching film na agad.

"Aware naman po ako na hindi lahat ay nabibigyan ng ganoong opportunity kaya very grateful po talaga ako sa tiwala na ibinibigay sa akin ng big bosses namin sa Viva.

"Medyo nabibigla ako dahil hindi pa nagsi-sink in sa akin na artista na talaga ako.

"Marami po akong mga upcoming project this year sa Vivamax na malayo talaga sa karakter ko in real life ang mga role ko, pero game lang!" masayang sabi ni Ayanna.

Muli niyang iginiit na tanggap na tanggap ng pamilya niya ang kanyang paghuhubad sa pelikula.

Continue reading below ↓

"Tanggap na po ng family ko kung ano yung pinasok ko. Naniniwala naman po sila na stepping stone ko lang po yung mga ginagawa ko ngayon at darating ang araw na hindi ko na kailangang maghubad sa pelikula."

May masasakit na salita ka bang narinig dahil sa mapangahas na paghuhubad mo sa harap ng kamera?

Sagot ni Ayanna, "So far, wala pa naman po. I mean, marami pong positive and negative comments.

"Pero hindi ko po masasabi na 'hurtful' sila kasi hindi naman po ako apektado.

"Sabi nga po nila, 'In order to insult me, I must first value your opinion.'"

ON BEING PAIRED WITH JOKI DIAZ

Tungkol sa May-December love affair ang kuwento ng Kinsenas, Katapusan.

Si Joko Diaz—na puwede nang maging ama ni Ayanna sa tunay na buhay—ang leading man niya sa kanyang launching movie.

"To be honest, nang malaman ko po na si Kuya Joko ang magiging leading man ko sa Kinsenas, Katapusan, medyo na-challenge po ako dahil veteran actor ang makakasama ko.

Continue reading below ↓

"Super comfortable po na ka-work si Kuya Joko. Very professional, tinutulungan niya po ako sa mga eksena namin at palabiro po siya.

"Mine-make sure niya na okay ako before and after the take," lahad ni Ayanna.

Tuwang-tuwa si Ayanna nang mabasa niya noong November 27, 2021 ang unang artikulo ng PEP.ph tungkol sa kanya.

May titulo itong "Newbie Ayanna Misola, nakumbinsing magpaseksi dahil sa pandemya."

"Grabe!!! First time ko po na magkaroon ng article na name ko talaga ang nakasulat," reaksiyon ni Ayanna na hindi makapaniwalang darating ang araw na mababasa niya sa PEP ang sarili.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayanna Misola: "Naniniwala naman po sila na stepping stone ko lang po yung mga ginagawa ko ngayon at darating ang araw na hindi ko na kailangang maghubad sa pelikula."
PHOTO/S: @ayannamisola Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results