Watch Now

Arnold Clavio, iba pang news anchors nagpositibo rin sa COVID-19

by Jojo Gabinete
Jan 9, 2022
arnold clavio covid-19
Arnold Clavio: “After almost two years, this is my first time to be infected by COVID-19 virus. It’s real and serious although may mild symptoms ako like cough due to hyperacidity."
PHOTO/S: @akosiigan on Instagram

Noong Biyernes, January 7, 2022, inamin ng Kapamilya news anchor na si Karen Davila na nagpositibo siya at ang kanyang pamilya sa COVID-19.

Ngayong Linggo, January 9, ang Kapuso news anchor namang si Arnold Clavio ang umaming positibo rin siya sa naturang virus sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Aniya, “After almost two years, this is my first time to be infected by COVID-19 virus. It’s real and serious although may mild symptoms ako like cough due to hyperacidity.

“Last Thursday, may close contact ako sa isang nag-positive. Immediately, I had my antigen test done and it turned out negative.

“Yesterday, after RT-PCR test, the result was negative.

“This morning, para makasiguro, I had my antigen test again and bad news, I am positive.

"And the only way to fight this virus is positive thought.

“Sa kabila ng pag-iingat ko, wearing of mask, hand washing, social distancing, vitamins, immune booster, lots of Vitamin D, tinamaan pa rin ako and I don’t know how so be careful everyone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"See you in after 7-14 days of isolation. God is good! Amen."

Hindi lamang si Arnold ang male news anchor na tinamaan ng COVID-19. May dalawa pang hindi pa isinasapubliko ang kanilang mga kalagayan kaya hindi sila napapanood sa mga programa nila mula pa noong Huwebes.

Problema ng lahat ng mga major TV network ang COVID-19 dahil marami sa production staff ang nahawahan na dahilan para malimitahan kanilang operasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa piling-piling mga tao na pinapayagang pumasok sa loob ng studio, muling ipinatupad ng management ng isang TV station ang paggamit ng face shields ng kanilang mga empleyado para magkaroon ang lahat ng dobleng proteksiyon laban sa virus na mas mabilis na nakakahawa ngayon.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arnold Clavio: “After almost two years, this is my first time to be infected by COVID-19 virus. It’s real and serious although may mild symptoms ako like cough due to hyperacidity."
PHOTO/S: @akosiigan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results