Claudine Barretto, nagsalita tungkol sa "reconciliation" nila ng kapatid na si Marjorie noong New Year

by Jojo Gabinete
Jan 11, 2022
claudine barretto
Claudine Barretto on running for councilor in Olongapo City: “I’m very excited and nervous, grateful and hopeful na itong bagong tatahakin ko na career, e, talagang maibigay ko yung serbisyo na kailangan ng mga tao, hindi lang sa Olongapo kung hindi kahit saan.”
PHOTO/S: @claudinebarretto on Instagram

Maganda para kay Claudine Barretto ang pagpasok ng 2022 dahil nagkasama-sama sila ng kanyang mga kapatid at pamangkin.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita si Claudine sa "reconciliation" nila ng kanyang kapatid na si Marjorie Barretto at mga pamangkin noong New Year's Eve at mismong New Year.

Sa virtual media conference ng pelikulang Deception nitong Martes ng gabi, January 11, tinanong si Claudine tungkol sa magandang nangyari sa buhay niya sa pag-uumpisa ng 2022.

Continue reading below ↓

Dito ay binanggit niya ang pagsasama nila ng nakaalitang kapatid at mga anak nito.

Pahayag ng aktres, “Maganda ang simula ng taon ko dahil nakasama ko ang buong pamilya ko.

"Nag-New Year kami sa Subic at kasama ko yung mga pamangkin ko, mga anak ni Marjorie. Magkasama-sama kami, we really celebrated New Year with a bang, with so much love and peace of mind.

“New Year was really really that fun. We all spent it sa Olongapo, sa bahay namin sa Subic with my whole family.

"First time na nabuo yung pamilya namin, except yung dalawang ate ko kasi nasa abroad."

Patuloy niya, "We were all together, especially my nieces and nephews, kasama ko noong New Year.

"Sinalubong namin yung New Year with so much love and happiness and so much peace."

Nalaman ng mga tao ang reunion ng pamilya Barretto dahil sa mga social media post ng mga miyembro ng kanilang pamilya.

Continue reading below ↓

Hindi lamang ang family reunion noong Bagong Taon ang nagpasaya kay Claudine dahil nagbigay rin sa kanya ng excitement ang pagpasok niya sa mundo ng pulitika.

Sinabi ni Claudine na handang-handa na siya sa kanyang kandidatura bilang konsehal ng Olongapo para sa halalan sa May 9, 2022 at sa “deception” sa pulitika na haharapin.

Pero magkahalong kaba at pananabik ang nararamdaman niya.

"Eto na, malapit nang magkampanya, nagkakampanya na," sabi ni Claudine.

“I’m very excited and nervous, grateful and hopeful na itong bagong tatahakin ko na career, e, talagang maibigay ko yung serbisyo na kailangan ng mga tao, hindi lang sa Olongapo kung hindi kahit saan.”

Ang Deception ang reunion movie ni Claudine at ng kanyang ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez.

Matatagalan bago masundan ang movie project ni Claudine dahil magiging abala na siya sa pangangampanya kaya inaasahan niyang tatangkilikin ng publiko ang Deception kapag nagsimula na ang streaming nito sa Vivamax sa January 28, 2022.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto on running for councilor in Olongapo City: “I’m very excited and nervous, grateful and hopeful na itong bagong tatahakin ko na career, e, talagang maibigay ko yung serbisyo na kailangan ng mga tao, hindi lang sa Olongapo kung hindi kahit saan.”
PHOTO/S: @claudinebarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results