Angel Locsin at Edu Manzano, bibida sa Pinoy adaptation ng Call My Agent!

by Jojo Gabinete
Jan 12, 2022
angel locsin edu manzano call my agent
Sina Angel Locsin at Edu Manzano ang napiling gumanap na bida sa Philippine adaptation ng French comedy-series na Call My Agent!, isa sa mga popular content sa Netflix.
PHOTO/S: Instagram

November 26, 2021 nang ibalita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na magkakaroon ng Philippine adaptation ng Call My Agent!, ang French comedy-drama series na may French title na Dix pour cent (Ten Percent) at isa sa mga popular content sa Netflix.

Tuloy na tuloy na ang Filipino version ng Call My Agent! na ipo-produce ng Reality MM Studios nina Dondon Monteverde at Erik Matti.

Si Erik ang direktor ng proyektong pagbibidahan nina Angel Locsin at Edu Manzano.

Si Angel ang gaganap sa role ng lesbian talent agent na orihinal na ginampanan ng French actress na si Camille Cottin.

Si Edu ang magbibigay-buhay sa karakter ni Mathias Barneville, ang agent at isa sa mga partner ng talent management agency na namamahala sa acting career ng mga sikat na artistang may “star complex.” Una itong ginampanan ng French actor na si Thibault de Montalembert.

Tatlong beses nanalo ng acting award si Cottin para sa role nito sa Call My Agent! kaya malaking hamon at oportunidad kay Angel na siya ang pinili nina Dondon at Erik bilang bida ng Pinoy version ng sikat na programa.

Continue reading below ↓

call my agent cast

France's Call My Agent! stars (from left) Thibault de Montalembert, Liliane Rovère, Camille Cottin, and Gregory Montel

Kakaiba ang konspeto ng Call My Agent! dahil ang mga artista ang gaganap sa kanilang mga sarili.

Sina Monica Belluci, Isabelle Huppert, Jean Reno, at Isabelle Adjani ang ilan sa mga sikat na French actor na gumanap sa sarili nila sa original version ng Call My Agent.

Continue reading below ↓

Meron nang Indian, Canadian, at Turkish version ang Call My Agent! na masusundan pa ng mga international remake dahil sa popularidad ng show sa mga manonood.

Pinaplano na ang pag-uumpisa ng shooting ng Pinoy version ng Call My Agent! sa April 2022. Kabilang ito sa mga proyekto na joint venture ng Reality MM Studios at HBO Asia.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina Angel Locsin at Edu Manzano ang napiling gumanap na bida sa Philippine adaptation ng French comedy-series na Call My Agent!, isa sa mga popular content sa Netflix.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results