Claudine Barretto, may hugot sa "ex-husband" at mga taong nanlinlang umano sa kanya

by Jojo Gabinete
Jan 12, 2022
Claudine Barreto denies she's withdrawing her candidacy for councilor in Olongapo
Claudine Barretto: "I’ve had so much betrayal and deception in my life. Ang dami talaga. There’s so many relationships I had, whether friendship or at work or sa family or sa ex-husband. Lahat yun napagdaanan ko kaya dapat mas extra careful ka."
PHOTO/S: Courtesy: @claubarretto on Instagram

Malapit sa puso ni Claudine Barretto ang Deception, ang reunion movie nila ng kanyang ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez, dahil sa totoong buhay ay naranasan daw niyang maraming beses na maging biktima ng panlilinlang.

Hindi na inisa-isa ni Claudine ang mga panlilinlang na ginawa umano sa kanya at hindi siya nangiming gamiting halimbawa ang dating asawa na hindi niya binanggit ang pangalan.

“Itong pelikulang ito is very close to my heart dahil sa mga nangyari sa amin ng ex-husband ko,” sabi ni Claudine sa virtual media conference ng Deception na nangyari kahapon, January 11, 2022.

“It hits close to home sa akin kasi hindi lang naman sa ex-husband ko kundi sa mga taong pinagkatiwalaan ko. Sa mga taong akala ko kaibigan ko, yun pala hindi. Tinulungan mo na, ikaw pa yung masama.

“I’ve had so much betrayal and deception in my life. Ang dami talaga.

“There’s so many relationships I had, whether friendship or at work or sa family or sa ex-husband. Lahat yun napagdaanan ko kaya dapat mas extra careful ka.

Continue reading below ↓

"Saka yung sinasabi nila na love yourself, totoo yun. Huwag lang bigay nang bigay.”

Kahit naging maingat si Claudine na hindi banggitin ang pangalan ng kanyang "ex-husband," hindi lingid sa kaalaman ng halos lahat na ang tinutukoy niya ay walang iba kundi si Raymart Santiago.

Bagamat "ex-husband" na ang turing ni Claudine kay Raymart, hindi pa annulled ang kanilang kasal.

Kung may mga hugot si Claudine para sa dating asawa at mga kaibigang inaakusahan niya ng panlilinlang, puro magagandang salita naman ang kanyang binitiwan para kay Mark.

Saad ni Claudine, “Si Mark the same pa rin, very protective. Very loving, very sweet. Parang wala naman nagbago sa kanya kundi lalo siyang bumait ngayon.

“Saka very professional si Mark. Si Mark hindi talaga mahirap makatrabaho o makasama. Parang sobrang professional niya, sobrang lalim niya.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto: "I’ve had so much betrayal and deception in my life. Ang dami talaga. There’s so many relationships I had, whether friendship or at work or sa family or sa ex-husband. Lahat yun napagdaanan ko kaya dapat mas extra careful ka."
PHOTO/S: Courtesy: @claubarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results