"Beatrice Pia White" nakulong na rin noong 2006 dahil sa pagnanakaw ng credit, ATM cards ng kapatid ni Bianca Lapus

by Jojo Gabinete
Jan 12, 2022
beatrice pia white estafa
Inilahad ni Kyla Lapus, kapatid ng aktres na si Bianca Lapus, ang pagpapakulong niya kay Beatrice Pia White (nasa larawan) noong 2006 dahil sa mga kasong qualified theft. Ayon kay Kyla, Lucy Saqr ang tunay na pangalan ng misis ni Terence Romeo.
PHOTO/S: PNP / Kyla Lapus

Kabilang ang nakababatang kapatid ng aktres na si Bianca Lapus na si Marizol “Kyla” Lapus sa mga lumantad at nagbahagi ng kanyang malungkot na karanasan sa kamay ni Beatrice Pia White.

Si White, nakahiwalayang asawa ng PBA player na si Terrence Romeo, ay nahaharap ngayon sa patung-patong na kaso mula nang dakpin siya ng mga tauhan ng Philippine National Police-Highway Patrol Group noong Sabado, January 8, 2022.

Dinakip si White dahil sa paglabag sa Section 4 ng Article 294 ng Revised Penal Code ng Republic Act 10883 (Robbery/Extortion) at Article 178 (Using Fictitious Name and Concealing True Name) ng Revised Penal Code.

Sinabi ni Police Brigadier General Rommel Marbil, ang direktor ng PNP-HPG, na ang isa mga modus ni White ay ang pagrerenta ng mga sasakyang hindi na ibinabalik sa may-ari at pagtalbog ng mga tsekeng ibinabayad.

Pagnanakaw naman ang atraso ni White kay Kyla noong 2006.

Ayon kay Kyla, "Lucy Saqr" at hindi Beatrice Pia Espina White ang tunay na pangalan ng asawa ni Romeo.

Continue reading below ↓

“Her real name is Lucy Saqr, not Beatrice. Her full name is Lucy Constantino Saqr. Ginagamit din niya ang name na Lucille,” pahayag ni Kyla sa exclusive interview sa kanya ng Cabinet Files ngayong Miyerkules ng gabi, January 12.

Tinangay umano ni White ang credit cards at ATM cards niya noong November 14, 2006.

Hindi personal na magkakilala ang dalawa dahil may nagsama lang daw kay White sa surprise birthday party noon para kay Kyla.

Lahad ng kapatid ni Bianca, “She has a pending warrant of arrest for stealing all my credit cards back in 2006 during my surprise birthday party. She was a tag-along of a friend.

“Nagamit niya ang lahat ng cards ko nang mag-open ang mall. She bought a lot of phones, bags, wallets, jewelry, and many more.

“I lived in Greenhills at that time. Sa Greenhills niya ginamit ang cards ko.

"Then, sa entrapment operation sa Makati City, nakita sa kanya ang lahat ng cards ko."

Continue reading below ↓

Sa tantiya ni Kyla, umabot sa isang milyong piso ang halagang ninakaw mula sa kanyang credit at ATM cards na ginamit ni White.

Natukoy ang pagkakakilanlan ni White dahil sa mga CCTV footage mula sa mga tindahang pinuntahan ng suspect.

Sabi pa ni Kyla, “I was even giving her advises in life nung gabi [surprise birthday party] kasi nagtatanong siya how I became successful sa business.

"Sabi ko pa sa kanya, take care of your name, pero wala akong sinabi na kunin niya ang name ko.

“The following day, nagulat ako nung magpapasahod na ako sa mga tauhan ko dahil wala na pati ang ATM cards ko.

“Then, one concerned merchant called HSBC, and HSBC called me na ginamit nga niya yung credit card ko.

“Natukoy siya via CCTV footage released by the merchant. Marami po ang nagtestigo. CIDG [ Criminal Investigation and Detection Group] handled the case.”

Nagawa ni Kyla na ipakulong noon si White pero nakalaya ito.

Continue reading below ↓

Nagdulot daw ng matinding stress kay Kyla ang paglaya ni White dahil napilitan siyang kumuha ng bodyguard, magpalit ng sasakyan, at lumipat ng tahanan dahil sa pangambang baka gantihan siya.

Labing-anim na taon na ang nakalilipas mula nang maging biktima siya White, pero hindi nawalan ng pag-asa si Kyla na balang-araw, matatagpuan din niya ang taong sumira sa kanyang pangalan at reputasyon.

“Na-trauma ako nang husto sa ginawa niya,” ani Kyla.

“Pero I’m really happy na nakita na siya. God works in mysterious ways talaga. Nasira din po kasi ang name ko sa bank because of what she did, she used all my cards.”

Matagal mang panahon ang lumipas, nagpapasalamat sa Diyos si Kyla dahil iningatan niyang mabuti ang mga dokumentong matibay na ebidensiya ng malaking atraso sa kanya ni White.

Hanggang ngayon, nasa pag-iingat ni Kyla ang kopya ng mga kasong isinampa niya (Qualified Theft, Estafa, at Violation of Republic Act 8484 o An Act Regulating the Issuance and Use of Access Devices), ang credit at ATM cards niya na boluntaryong ibinalik ng suspek, at ang testimonya ng mga saksi.

Continue reading below ↓

Samantala, malaking hamon para sa PNP-HPG at sa mga complainant na tuklasin ang tunay na pangalan ni White na may iba’t ibang alias tulad ng Janel Consunji, Lucy Sadler, at Lucy Saqr.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inilahad ni Kyla Lapus, kapatid ng aktres na si Bianca Lapus, ang pagpapakulong niya kay Beatrice Pia White (nasa larawan) noong 2006 dahil sa mga kasong qualified theft. Ayon kay Kyla, Lucy Saqr ang tunay na pangalan ng misis ni Terence Romeo.
PHOTO/S: PNP / Kyla Lapus
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results