Fernando Poe Jr. Avenue "long overdue" na, ayon kay Phillip Salvador

by Jojo Gabinete
Jan 13, 2022
fernando poe jr.
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas sa pagpapalit ng pangalan ng Roosevelt Avenue sa Quezon City sa Fernando Poe Jr. Avenue bilang pagkilala sa yumaong King of Philippine Movies.
PHOTO/S: Mowelfund

"It’s long overdue."

Ito ang reaksiyon ng multi-awarded actor na si Phillip Salvador nang lagdaan ni President Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11608 o An Act Renaming Roosevelt Avenue Located in Legaslative District 1 of Quezon City as Fernando Poe Jr. Avenue.

Isa si FPJ (August 20, 1939-December 14, 2004) sa mga itinuturing ni Phillip na mentor niya sa movie industry. Malalim ang kanilang pinagsamahan na nag-umpisa nang maging miyembro si Phillip ng FPJ Boys, ang basketball team ng yumaong King of Philippines Movies.

Ang Batya’t Palu-Palo (1974) at Anino ng Araw (1975) ang dalawa sa mga pelikula ni FPJ na ginawa ni Phillip noong bitplayer pa lamang ito.

Nagpapasalamat naman si Senator Grace Poe at ang pamilya niya sa karangalang ipinagkaloob sa kanyang ama sa pamamagitan ng naturang batas.

“Para sa bawat Pilipino na dadaan sa FPJ Avenue, umaasa kaming magsisilbi itong pisikal na paalalang walang pangarap ang masyadong malaki at walang layunin na hindi kayang maabot.

Continue reading below ↓

“Nawa'y magsilbing ehemplo ng katatagan, pagpupunyagi at pag-asa ang buhay ni FPJ sa ating mga kababayan.

"Nagpapasalamat ako at ang aking pamilya sa batas na ito," opisyal na pahayag ni Senator Grace tungkol sa bagong pangalan ng kalsada na isa sa pinakamataas na pagpupugay sa kanyang ama, na malaki ang kontribusyon sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Sa ilalim ng Republic Act 11608, inaatasan ng pangulo ang Department of Public Works and Highways na ipatupad ang pagpapalit ng pangalan ng Roosevelt Avenue sa loob ng animnapung (60) araw.

Matatagpuan ang ancestral home ni FPJ sa Roosevelt Avenue na ipinangalan kay former U.S. President Franklin D. Roosevelt (January 30, 1882- April 12, 1945) at may habang 2. 9 kilometers mula sa katimugan ng Quezon Avenue hanggang sa hilaga ng EDSA, Quezon City.

Noong 2020, ipinanukala ni Senator Lito Lapid na isunod sa pangalan ni FPJ ang San Francisco Del Monte Avenue, pero marami ang tumutol, kabilang ang mga alagad ng simbahan.

Continue reading below ↓

Ang Roosevelt Avenue na lamang ang pinalitan ng pangalan ng Filipino movie icon dahil sa lugar na kinatitirikan ng ancestral home ng kanyang pamilya.

Pinaniniwalaang kasama sa mapapalitan ng pangalan ang Roosevelt Station ng MRT (Metro Manila Rail Transit System), na pansamantalang isinara mula pa noong September 5, 2020 dahil sa pagtatayo ng North Avenue Grand Central Station sa kanto ng EDSA at North Avenue.

Inaasahang FPJ Station na ang itatawag sa Roosevelt Station kapag bumalik sa normal ang operasyon ng MRT.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas sa pagpapalit ng pangalan ng Roosevelt Avenue sa Quezon City sa Fernando Poe Jr. Avenue bilang pagkilala sa yumaong King of Philippine Movies.
PHOTO/S: Mowelfund
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results