Terrence Romeo, idinadawit ng ilang netizens sa mga kaso ng kanyang asawa

by Jojo Gabinete
Jan 13, 2022
terrence romeo wife arrested
Muling nabuhay ang Instagram account ng PBA player na si Terrence Romeo dahil sa mga bagong komento ng netizens tungkol sa asawa niyang si Beatrice Pia White, na inaresto kamakailan dahil sa estafa charges. Ayon sa mga balita, hiwalay na umano sina Terrence at Pia.
PHOTO/S: Instagram / PNP

Noong September 9, 2020 pa ang huling Instagram entry ng PBA player na si Terrence Romeo.

Pero muling naging aktibo ang kanyang account dahil sa mga komento ng netizens na pilit siyang idinadamay sa mga kasong kinasasangkutan ng asawa niyang si Beatrice Pia White, na kilala rin sa paggamit ng mga pangalang Lucy Saqr, Lucy Sadler, at Janel Consunji.

terrence rome instagram

Continue reading below ↓

Pero kung may mga nagdadawit kay Romeo sa mga pagkakamali ni White, may mga nagtatanggol sa PBA payer at nagsasabing hindi siya dapat isali dahil hindi pa sila mag-asawa nang masangkot sa mga kaso ang akusado.

Nang pumutok ang balitang dinakip si White ng Philippine National Police-Highway Patrol Group noong January 8, 2022 dahil sa paglabag sa robbery/extortion, mabilis ding kumalat ang isyung hiwalay na sila ni Terrence.

Ikinasal sina White at Terrence sa isang private wedding ceremony noong April 22, 2017, pero itinanggi muna ng PBA player ang balita.

Diumano, engagement at hindi kasal ang nangyari na dinaluhan lamang ng tatlong bisita. Masyadong pribado ang okasyon dahil ipinagbawal ang pagkuha ng mga litrato at video. Pinapirma rin ng confidentiality agreement ang mga tauhan ng catering company na namahala sa paghahanda ng mga pagkain.

Ang entertainment columnist na si Dolly Anne Carvajal ang isa sa mga naglabas noon ng report tungkol sa lihim na lihim na pagpapakasal ni Terrence. Hindi sinabi sa report ang pangalan ng babae.

Continue reading below ↓

Isang businesswoman mula sa Cebu, dating kasal sa ibang lalake, at matanda kay Terrence ng walong taon ang pagsasalarawan ni Dolly Anne sa pinakasalan ni Terrence.

May isang anak sina Terrence at White, ang four-year-old boy na isinilang noong 2018.

Pero iilan lamang ang nakakaalam sa hitsura ng asawa ng PBA player mula nang magpakasal sila noong 2016.

Isang showbiz personality na nagkaroon ng business deal kay White ang nagsabing noon pa man, maingat na maingat ang asawa ni Terrence sa pagpapakuha ng litrato at walang katiyakan kung may social media account siya.

Gaya ng ibang mga complainant, naging malaking problema si White sa showbiz personality dahil hindi siya nakatupad sa kanilang mga kasunduang malaking halaga rin ng pera ang sangkot.

2006 CASE

Isa sa mga naging biktima ni White noong November 2006 ay ang businesswoman na si Kyla Lapus.

Noong panahong iyon ay hindi pa usong-uso ang Internet at ang social media kaya nahirapan si Lapus hanapin ang akusado na, ayon sa kanya, Lucy Saqr ang tunay na pangalan.

Continue reading below ↓

Qualified theft ang isa sa mga kasong isinampa ni Kyla laban kay Saqr dahil tinangay at ginamit nito ang kanyang mga credit card at ATM cards.

Nadakip noon si Saqr pero nakalaya rin at nakapagtago sa loob ng labing-anim na taon. Kaya maligayang-maligaya si Lapus nang malaman nitong muling nahuli ang akusado noong January 8, 2022 sa bisa ng reklamo ng mga taong naging biktima ng Rent/Tangay scheme ng asawa ni Terrence.

Sinabi ni Lapus sa Cabinet Files na muling ihahain ng PNP-CIDG kay Saqr ang warrant of arrest para sa mga kasong isinampa niya noong November 2006.

Naniniwala si Lapus na nagpalit ng pangalan at mailap si Saqr sa pagpapakuha ng litrato dahil alam nitong hinahanap siya ng kanyang mga naging biktima.

“Ang alam ng mga tao, 2008 ang unang crime niya. Yung sa akin, 2006 pa, and talagang nag-investigate ako on my own. I’m almost sure na ako ang may alam ng totoong name niya kaya nagtago siya at nag-based sa Cebu,” pahayag ni Lapus.

Continue reading below ↓

Ibinahagi ni Lapus sa Cabinet Files ang kopya ng report ng Manila Standard noong November 28, 2006 tungkol sa reklamo niya laban kay Saqr.

Nakasaad sa report ng Manila Standard na Filipino-Jordanian si Saqr na boluntaryong ibinalik nito kay Lapus ang mga credit at ATM cards na tinangay at ginamit niya.

kyla lapus manila standard

Continue reading below ↓

Kyla Lapus (left) and a copy of the Manila Standard article

Buhat nang madakip si Saqr/White noong nakaraang Sabado, isa-isa ring lumitaw sa Internet ang kanyang mga lumang larawan na nanggaling mula sa mga complainant kaya mahihirapan na siyang ikubli ang tunay niyang pagkatao.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Muling nabuhay ang Instagram account ng PBA player na si Terrence Romeo dahil sa mga bagong komento ng netizens tungkol sa asawa niyang si Beatrice Pia White, na inaresto kamakailan dahil sa estafa charges. Ayon sa mga balita, hiwalay na umano sina Terrence at Pia.
PHOTO/S: Instagram / PNP
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results